Ay!!! Super, 'di ba? Sikat na aktres, ayaw makatrabaho ang magaling na komedyana dahil fan ng ka
- Janice DS Navida
- Nov 21, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
May ugali pala ang isang sikat na aktres na maituturing nang haligi ng industriya na kapag ang kapwa niya aktres ay fan ng isinasabong sa kanyang aktres nu’ng kapanahunan nila ay ayaw niyang makatrabaho?
Narinig namin ang kuwentong ito mula sa isang source kung saan kahit magkasama raw sa iisang network ang sikat na aktres at ang magaling na komedyana ay ayaw diumanong makatrabaho ng una sa isang project ang huli dahil vocal ang comedienne na super fan siya ng aktres na kakontemporaryo noon ng sikat na aktres.
Naku, ha? Maliit lang ang showbiz industry para hindi sila magkatrabaho. Baka nga mas makatulong pa sa medyo lumamlam nang career ng sikat na aktres kung makakasama niya sa isang proyekto ang magaling na komedyana.





Comments