Mag-ala-Aga at Sharon na lang daw… Pagbababu ni Robin sa showbiz, hinaharang
- Erlinda Rapadas
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Labis na ipinagtataka ng mga netizens kung bakit nagpahayag si Robin Padilla na plano na rin niyang talikuran at magretiro na sa showbiz. He’s only 50 years old, bata pa, malakas at marami pang magagandang ideya na puwedeng iambag sa movie industry.
Papaano na ang plano niyang paggawa ng pelikula kasama si Phillip Salvador? Papaano ‘yung iba pang movie offers sa kanya?
Pupuwede naman na magpahinga lang pansamantala si Binoe upang mabigyan ng panahon ang iba pang bagay na gusto niyang gawin sa buhay tulad ng ginagawa nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach na lumalabas pa rin sa pelikula basta gusto nila ang project.
Semi-retirement ang puwedeng gawin ni Robin kung medyo nabe-burnout na siya sa pag-aartista. Tutal naman, eh, ayaw niyang tumanggap ng anumang puwesto sa gobyerno na ibinibigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanghihinayang lang ang mga taga-movie industry dahil pagkakataon na sana ni Binoe na maiparating sa pangulo ang sad plight ng industriya at nangangailangan na ng ayuda. Siya na ang magiging tulay at boses ng mga artista at movie producers.





Comments