top of page

Easy lang ‘to, bes, para hindi ka maloko... Gintong alahas, malalaman kung tunay o peke ‘pag inilubo

  • Jersy Sanchez
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read

No Problem

Tulad ng feelings, ang ginto ay madaling dayain. Ano raw? Ha-ha-ha! ‘Yung feeling akala mo real na, pero gold na, naging bato pa. Ouch! Kaya para sa mga beshy natin d’yan na mahilig sa mga alahas, partikular sa gold, narito ang ilang paraan para malaman kung peke ang alahas:

1. MAGNET TEST. Hindi dumidikit ang ginto sa magnet dahil ‘choosy’ ito. Kung gagawin ang magnet test, siguraduhing heavy duty ang gagamitin na magnet at tandaan, kahit authentic ang ginto ay maaari itong dumikit, lalo na kung yari sa metal ang clasp o chain nito. Kapag dumikit, tingnang mabuti kung ginto o ang bahaging metal ang dumikit.

2. FLOAT TEST. Mabigat ang ginto kumpara sa ibang materyal dahil sa density. Upang gawin ang float test, kumuha ng isang pitsel na may tubig. Ihulog ang alahas at tingnan kung bubulusok ito sa ilalim ng pitsel. Kung mas mabilis itong babagsak, tunay itong gold. Gayunman, mabagal ang bagsak ng pekeng ginto dahil meron itong metal component. Ito ay dahil tinatablan ng water density ang mababang density ng pekeng alahas kaya mabahal itong lumubog.

3. COLOR TEST. Mga besh, huwag kayong magpapasilaw sa kinang ng mga ginto dahil ayon sa mga eksperto, kung ano ang sobrang kinang na alas, ‘yun pa ang fake. Suriing mabuti ang kinang ng ginto. Malaki ang chance na peke ang alahas kapag sobrang kinang nito at sobrang mura.

4. STREAK TEST. Para naman gawin ito, ikaskas nang marahan ang gintong alahas sa unglazed ceramic tile o ‘yung tile na gray at hindi pa nalalagyan ng madulas na bahagi. At pagkatapos, kilatisin kung anong kulay ng streak o mantsa ang maiiwan sa tile. Kung gray ang matsa, peke ito at kung makinang na kulay gold ang maiiwan sa tile, tunay ito.

Mga bro at sis, ngayong alam n’yo na kung paano suriin ang mga gintong alahas, make sure na hindi n’yo kalilimutan ang mga tips na ito, ha? Share n’yo na rin sa iba. Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page