Sundalo, nasabugan ng bomba
MAGUINDANAO — Isang sundalo ang nasa malubhang kalagayan nang masabugan kamakalawa ng bombang itinanim sa kuta ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa Bgy. Dasawao Sharrif Saydona, Mustapha sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Cpl. Alexander Flauta, nakatalaga sa 90th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga sundalo ang inabandonang kuta ng BIFF sa lugar at pagpasok ni Flauta ay nasagi nito ang booby trap bomb dahilan kaya nasabugan ang biktima.
Kaagad dinala ng mga kasamahan niyang sundalo si Flauta sa ospital. Nagsasagawa na ngayon ng pagtugis ang tropa ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng BIFF na nagtanim ng bomba sa kanilang kuta.





Comments