Sa lantarang relasyon kay Ion… Arnell kay Vice: 'Wag lahat ng ginagawa n'yo, kasali ang pub
- Janice DS Navida
- Nov 19, 2019
- 2 min read

Eversince, hindi naman itinago ni Arnell Ignacio ang pagiging bisexual niya. In fact, may isa nga siyang anak na babae kahit aminado siyang gay.
At sayang, dahil revelation sa amin ng TV host-actor sa presscon ng Damaso movie kung saan bida siya, na balak na pala sana niyang yayain ng kasal noon ang nanay ng kanyang anak, pero hindi nga siguro sila meant to be kaya ‘di natuloy.
Sa ngayon, loveless daw si Arnelli at dahil sa kabisihan sa kanyang career, hindi niya mabigyan ng panahon ang kanyang love life.
Natuwa naman siya nang mabanggit sa kanya na buti pa si Vice Ganda, naka-jackpot ngayon at may isang Ion Perez na nagmamahal dito.
Sey ni Arnelli, happy siya para kina Vice at Ion lalo na sa kapwa niya LGBTQIA+ member na Unkabogable Star dahil nakatagpo na rin ito sa wakas ng lalaking magmamahal sa kanya at proud na proud pa siyang inilalantad ngayon.
Hindi nga naman “all” ay idinidispley ng lalaki, lalo na ang mga bading. Pero si Vice, ayan nga’t gusto pa raw pakasalan ni Ion.
Pero kung si Arnell ang tatanungin, aniya ay hindi naman kailangang lahat ng ginagawa nina Vice at Ion ay nakadispley or naka-announce sa social media.
Mas okay pa rin daw ang magtira ng privacy ang dalawa at ‘wag ilantad lahat sa publiko para mas maging matibay ang kanilang relasyon.
“Nakikita ko sa mga posts nila, sweet-sweet-an sila. Ano lang, buoin nila ang kanilang relasyon, mag-iwan sila ng para sa kanila, because I think it’s high time to do that para hindi lahat ng ginagawa n’yo, kasali ang publiko,” unsolicited advice niya sa magdyowa.
At may point din naman si Arnell sa sinabi niyang hindi dahil nangyari kay Vice na sinuwerte siya kay Ion, eh, ganu’n na rin ang dapat isipin ng mga kasamahan nila sa LGBTQIA+ community.
Samantala, busy ngayon si Arnelli sa promotion ng Damaso movie na ipapalabas sa Nov. 20 mula sa direksiyon ni Joven Tan at produced ng Regis Films and Reality Entertainment.





Comments