Mga magsasaka umaaray.. Rice Tariffication Law, tuloy — P-Digong

Hindi pa handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang Rice Tariffication Law na sinasabing dahilan ng paghihirap ng mga lokal na magsasaka.
Ayon kay Pangulong Duterte, maaaring magresulta na naman ito ng food crisis.
Dahil dito, humingi ng tawad ang pangulo sa mga magsasaka dahil sa naging pagkukulang ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
“I am not about ready to do that, I do not want to have a food crisis again. There might be a problem, it is just a serious problem, but if there is no more food for the people, that is different,” ani Pangulong Duterte.
Giit ng pangulo na hindi magiging rice sufficient ang Pilipinas. “You have a more serious challenge there and maybe hard to resolve until there is really food on the table.”
Kaugnay nito, nakatakdang makipagkita si Pangulong Duterte sa mga grupo ng magsasaka upang pakinggan ang kanilang mga hinaing. Kabilang na rito ang mababang presyo ng palay at hindi matapus-tapos na irrigation projects.
Aminado si Pangulong Duterte na hindi laging maiiwasang makagawa ng pagkakamali kaya nangako siyang sosolusyunan niya ang naturang problema.
“I will see to it that we can strike a happy balance between rice importation and the production of rice by the farmers. But if you ask me if we can be rice sufficient, I don’t think so. Frankly, I cannot give that,” diin ng pangulo.
“I just want to correct it. Maybe, along the way I might be able to find out what’s the truth, and I will correct it,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo tungkol sa nabanggit na batas.





Comments