top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Makitid daw ang utak at nakikisawsaw sa away nila ni Morissette… Sigaw ni Jobert kay Martin: ‘Wag i-

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 19, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Naglabas ng opinyon si Martin Nievera kamakailan hinggil sa walkout issue ng Asia’s Phoenix na si Morissette Amon sa concert ng baguhang singer na si Kiel Alo sa Music Museum.

Naniniwala si Martin na parehong may pagkakamali sina Morissette at ang producer ng concert na si Jobert Sucaldito. Aniya, ang pagkakamali ni Morissette ay ang pagpapadala niya sa problema sa pamilya habang nasa trabaho at ang naging mali naman daw ni Jobert ay ang paglalagay pa umano sa Asia’s Phoenix sa ‘spotlight’ imbes na hayaan na lang magtuluy-tuloy ang concert.

Ani Martin, “That’s the worst cliche in showbiz—the show must go on. But it’s so true. We can’t stop, especially a live performance, a concert. Kasi um-attend ang mga tao.

You have to make them understand na mayroon kaming mga dinadaanan na personal or whatever it is. But that’s probably what Morissette has learned through all of these. That we really have to put our personal stuff aside, lalung-lalo na kung may show.

“But more than anything, the show also, with Jobert, in fairness to Morissette - and I’m not defending one or the other because I love Jobert and I love Morissette. But we all can learn from this. The show should’ve just gone on. And later on, if people ask ‘Oy bakit wala si Morissette,’ du’n ka na lang mag-explain, hindi habang nagso-show or bago mag-show. That for me, mali ‘yung timing,” dagdag pa niya.

Samantala, nag-post si Jobert sa Facebook kahapon (Nov. 18) tungkol sa umano’y ‘pakikisawsaw’ ni Martin sa issue nila ni Morissette.

Bungad niya sa FB post, “May ilang nakisawsaw nang mali sa isyu na kinasangkutan namin ni Ms. Morissette Amon and isa na nga rito si Martin Nievera na minahal ko nang wagas from God knows when.

“Hindi ko lubos-maisip na ganoon lang pala kakitid ang utak nito sa pagsawsaw sa isyu namin gayong wala naman siya sa lugar na pinangyarihan.

“Nakakawalang-respeto naman ang mga artists na katulad nito - kung sino pa ‘yung inaasahan mong magtutuwid ng daan ng mga suwail na artists ay sila pa itong nagto-tolerate ng mga kahunghangan nila.

“Very sad Martin. You are slowly losing our respect. Masakit pero kailangan nating tanggapin ang kanilang mga ka-cheap-ang pananaw.

“Thanks for showing me your true colors guys. Hindi ko sinasabing you have to side with me - ilagay lang natin sa tama ang mga bagay-bagay. Kailan ba naging tama ang mali, Martin? Sorry ha - Tagalog ito at baka hindi mo maintindihan.

Bayad ka na lang ng interpreter tutal mayaman ka naman, eh.” Hmmm, ano kaya ang masasabi ni Martin dito?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page