Horoscope | Nobyembre 19, 2019 (Martes)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 19, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2019 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ang pagtatagumpay ay para sa iyo sa bawat hamon ng kapalaran na hindi mo aatrasan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito at ang ilang araw na darating ay iyo pa rin. Ngayon mo na gawin ang mga hindi mo nagawa noon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-28-36-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdududa sa iyong kakayahan. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, ang malalaking pagsubok ay iyong malalagpasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-16-20-24-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang sa biglang tingin ay malalaking hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Sila ay tulad lang ng mga panakot sa mga taniman ng palay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-15-18-20-21-25.
CANCER (June 21-July 22) - Kinakalawang ang bakal kahit gaano pa ito katigas. Sa ngayon, mahina ang iyong mga karibal, pero sa porma ay parang malalakas sila. Ang pananalo ay nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-20-25-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran. Akala ng mga nasa paligid mo ay mahirap kang kausap, pero kapag ikaw ay kanilang nakaharap, aaminin nila na kakaiba ang iyong kabutihang-loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-20-29-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itutulak ka ng iyong sarili na simulan mo na ang mga pagkilos para sa pagpapaunlad ng buhay mo. Kailangan mong sumunod dahil ngayon ang tamang pagkakataon para rito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-36-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling magaganap, hindi mangyayari ang iyong mga kagustuhan, pero sa huli ay sobra-sobra kang magpapasalamat sa nasa itaas dahil ang mga suwerte ay mapasasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-17-20-25-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit magkulang ka sa tapang, pero balewala ito dahil ang mga magagandang kapalaran ay darapo na sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-27-33-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ay may kahinaan at pagkukulang, pero may mga nagtatagumpay at ikaw ay napabibilang sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-19-21-29-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung susukatin at titimbangin, mas malaki at mabigat ang hangarin mong umasenso sa buhay kaya ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-20-23-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Init at lamig ang naglalaban at habang ito ay nagaganap, sisingit sa kapalaran mo ang magagandang bagay na ikaw mismo ay magugulat at hindi makapaniniwala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-16-17-23-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang sandata ng iyong kapalaran na ang tawag ay tatag ng kalooban. Ito ang magbibigay sa iyo ng malalaking pananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-20-25-26-30-38.




Comments