Hindi lang ang inaabangang Christmas Party... Mga tradisyon sa trabaho tuwing Pasko
- Jersy Sanchez
- Nov 19, 2019
- 2 min read

Kilala tayong mga Pinoy na may mahabang selebrasyon ng Pasko. ‘Yung tipong unang araw palang ng ber months ay nagsisimula nang magbago ang ating paligid mula sa bahay, mga mall at hanggang sa kalsada. Gayunman, ang mga workplace ay may iba’t iba ring tradisyon sa ganitong okasyon. Anu-ano ang mga ito?
1. 13TH MONTH PAY. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malas ang number 13 dahil para sa mga empleyado, ito ang kanilang pinakahihintay tuwing matatapos ang taon. Ilang linggo bago ang Pasko, matatanggap nila ang pinakahihintay na 13th month pay dahil sa wakas, lahat ng inaanak at pamilya ay mabibilhan na ng mga regalo. Gayundin, may budget na para sa Noche Buena!
2. BONUS AT NOCHE BUENA PACKAGES. Siyempre, hindi natatapos ang “bigayan” sa 13th month pay dahil may kasunod pa ito. Nariyan din ang Christmas bonus at Noche Buena packages na ikinatutuwa ng lahat. Bukod pa rito, mawawala ba ang hamon? Ha-ha-ha!
3. CHRISTMAS DECORS. Pagkatanggal ng mga halloween decors, ito agad ang bubungad sa inyo pagpasok n'yo sa trabaho. Madalas na napaliligiran ng mga pailaw at Christmas decors ang opisina at dahil dito, feel na feel ng mga tao ang Pasko, sabayan pa ng mga Christmas songs. Nakaka-excite, ‘di ba?
4. MONITO-MONITA NAMES. Hindi kumpleto ang Christmas Party sa workplace kapag walang exchange gifts. Agree? Ito ang tinatawag na Monito-Monita kung saan ang tanging wish ng lahat ay hindi mabunot ang katrabaho na kinaiinisan dahil kapag nangyari ‘yun, awkwaaaaard!
5. DANCE PERFORMANCE SA CHRIST’MAS PARTY. Isa ito sa mga pinakamasayang tradisyon sa workplace tuwing Pasko. Gayundin, dito lumalabas ang mga nakatagong talento ng workmates natin. ‘Yung feeling na makikita mong humataw sa pagsayaw o bumirit sa pagkanta ang pinakatahimik mong katrabaho dahil wala naman siyang choice. Ha-ha-ha! Mapapasabi ka na lang ng “Para sa bonus!”
6. CHRISTMAS PARTY. Mawawala ba ito? Kung sa ibang bansa, ang selebrasyon ay kadalasang may mga palaro, kainan at sabay-sabay nagbubukas ng mga regalo, dito sa ‘Pinas, ang Christmas Party sa workplace ay kadalasang ginagawa sa events places at hotel na may buffet, performances ng bawat department at ang paborito ng lahat, ang mga raffle! Imagine, um-attend ka lang ng Christmas Party, tapos uuwi ka nang may bagong TV o rice cooker? Sa ‘Pinas lang ‘yan!
Relate ka ba, beshy? Kung oo, magsimula na kayong mag-practice ng mga performance ninyo para sa Christmas Party para pak na pak kayo. Para sa mga first time makararanas ng ganitong tradisyon, easy lang dahil medyo iba man ito sa inyong nakasanayan, siguradong mag-e-enjoy din kayo.
Gets mo?




Comments