Mag-aaral daw, pero game sa ibang show… Miguel, out sa sunday pinasaya dahil kina Ruru at Bianca
- Nitz Miralles
- Nov 18, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @bryllegonzales (right)
Mukhang sinusundan nina Bianca Umali at Ruru Madrid si Miguel Tanfelix na nag-leave of absence sa Sunday PinaSaya dahil magpo-focus daw sa pag-aaral. Pero, ilang episodes na ng Studio 7 ay napapanood pa rin namin si Miguel.
Gusto tuloy naming maniwala sa tsikang sinadyang magpahinga ni Miguel sa SPS para makaiwas kina Ruru at Bianca. Dahil kung puwede siyang lumabas at makapagtrabaho sa Studio 7, bakit sa SPS ay hindi?
Kaya lang, sa last Saturday episode ng Studio 7, sinundan nina Ruru at Bianca si Miguel dahil guest ang dalawa sa show. Kaharap pa si Miguel nang i-announce ni Bianca na guest ang rumored boyfriend.
Anyway, magkasama sina Miguel at Bianca na tumanggap ng award na Best Drama Series sa 41st Catholic Mass Media Awards. Curios ang BiGuel fans na malaman kung nag-usap ba ang dalawa maliban sa “Hi” at “Hello?”





Comments