Rider, niratrat ng mga armado
NORTH COTABATO — Sugatan ang isang rider nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Katanayanan, Carmen.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Francisco Mabanag, residente ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo si Mabanag nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Bagama’t, sugatan ay nagawa pa rin ni Mabanag na patakbuhin nang matulin ang kanyang motorsiklo hanggang sa makarating sa detachment ng Philippine Army (PA) kaya hindi na sinundan ng mga suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng mga sundalo si Mabanag sa ospital, samantalang tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek.





Comments