top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit mag-aabot lang naman ng tissue… Vice, tinarayan ang byuting dancer na lumapit kay Ion

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 17, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nagdiwang ang It’s Showtime family dahil sa natanggap na award ni Kuya Escort Ion Perez na Breakthrough Artist of the Year mula sa LionHearTV RAWR Awards.

Super happy si Ion at aniya, “Nagpapasalamat po ako ba’t ako binigyan ng ganito (trophy). Ahh, ni sa panaginip, ni sa guni-guni, ‘di ko po naisip na mabibigyan ako ng ganito. Kaya, ‘Nay, eto ‘ko, ‘yung kasama mong nagtitinda ng kakanin, may award na.”

Kasunod nito ay naging emosyonal ang magkasintahang Ion at Vice Ganda.

Dahil dito, tinanong nina Anne Curtis at Vhong Navarro kung bakit sila umiiyak.

Sagot ni Ion, “Hindi, kasi ate (Anne), hindi ko talaga lubos-maisip na mabibigyan po ako ng ganito.”

Naputol ang emosyon nang humingi ng tissue sina Vhong at Anne para kay Ion. Maganda kasi ang dancer na nag-abot kaya pinandilatan ito ni Vice, sabay agaw sa tissue at sinabing “Du’n ka nga! Itong dancer na ‘to!” saka pinunasan ng Unkabogable Star ang luha ni Ion.

Sabi ni Vice, “Nu’ng sinabi sa amin na may award siya, sabi ko, ‘May award ka.’ Sabi ko, ‘Pumunta ka, may damit ka naman na susuotin.’ Sabi niya, ‘Hindi, ayoko talaga.’ Ayaw niyang pumunta, tapos sabi niya, ‘Please, ‘wag kang magalit sa ‘kin pero ayoko talagang pumunta.’

“Sabi ko, ‘Ba’t ayaw mong pumunta?’ ‘Hindi ako bagay sa mga ganyan,’ sabi niya (Ion). Sabi ko, ‘Ba’t lagi mong sinasabi ‘yan?’ ‘Hindi ako bagay sa mga ganyan at saka ‘pag binigyan ako ng trophy, hindi naman ako marunong mag-Ingles,’ sabi niyang ganu’n. Sabi ko ‘Hindi mo naman kailangang mag-Ingles, sabihin mo lang, magpapasalamat ka lang du’n sa mga nagbigay sa ‘yo ng award, du’n sa mga bumoto sa ‘yo.

“Sabi niya, ‘Wag na. Magdarasal na lang ako, pero ‘wag mo na ‘kong papuntahin, please, kasi hindi ko talaga kaya.’

“Alam mo, ito kasi, lagi siyang nahihiya, wala siyang kabilib-bilib sa sarili niya.”

Biglang sinabi ni Vice na minsan na palang nag-resign si Ion sa It’s Showtime.

“Ito, para lang sa kaalaman ng lahat, si Ion po ay minsan nang nag-resign dito sa Showtime dahil sa sobrang bashing na inaabot niya. Hindi niya kaya.

Umiiyak siya lagi sa nanay niya. Sabi niya, magtitinda na lang daw siya ulit ng kakanin sa Tarlac, kaya niya naman daw. Magbabantay na lang daw siya sa palengke.”

Kaya lang daw nagpatuloy si Ion ay dahil sa mapagmahal na direktor na si Direk Bobet Vidanes. Ani Vice ay pinagalitan ni direk si Ion para lang hindi huminto sa ginagawa.

Samantala, nanalo rin si Vice ng Favorite TV Host Award at sa kanyang pasasalamat ay tila may pahaging siya sa mga nagdaang jokes na naglagay sa buong ABS-CBN sa bantang maipapasara.

Ani Vice, “Sa personal kong award, thank you very much. Marami man akong mga sablay na mga jokes, eh, paumanhin na po sa inyo pero wala po akong masamang intensiyon.

Gusto ko lang kayong mapatawa although hindi man ako perfect, may mga sablay din akong jokes kaya I’m very sorry, I apologize and congratulations to all of you!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page