Game na game umarte, fan daw ng komedyante… P-Digong at Mayor Sara, nag-extra sa movie ni Ariel
- Janice DS Navida
- Nov 17, 2019
- 2 min read

Photo: Ariel Villasanta (left)
Proud and grateful si Ariel Villasanta dahil sa first reality movie niya titled Kings of Reality Shows na showing sa November 27, 2019 unang mapapanood ang special appearance ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Sen. Bong Go raw ang naging tulay ni Ariel para mai-guest si P-Du30 sa movie niya. Dalawang beses pa raw niyang pinuntahan sa Davao ang pangulo ‘maligawan’ lang ito at sa awa ng Diyos, napagbigyan nga siyang maisama ito sa kanyang movie.
Kuwento pa ni Ariel, talagang binuwenas siya dahil nakunan ang eksena nila ilang araw bago nagkasakit si P-Digong na kailangan nga raw mag-work from home ngayon.
Nu’ng magkausap daw sila, mukhang may dinaramdam na ang pangulo, pero game na game naman sa kuwentuhan nila kung saan ipinagmalaki pa nga raw nito sa kanya ang bagsak na grade nu’ng nag-aaral pa na take note, hindi lang 75 kundi 64, ha?!
Kaya sino nga namang mag-iisip na magiging pangulo ang dating abogado at mayor ng Davao?
Anyway, bukod kay P-Digong, nakuha ring mag-guest ni Ariel ang anak ng pangulo na si Davao Mayor Sara Duterte. Fan naman pala ng The Misadventures of Maverick & Ariel TV reality series na ipinapalabas noon sa TV5 ang Davao mayor. Kaya nu’ng pakiusapan ito ni Ariel, go naman agad si Mayor Sara.
Todo-pasalamat din si Ariel at may solo credit pa sa movie kay Sen. Manny Pacquiao na malaki ang naitulong sa kanya financially para matapos ang pelikula.
Isinanla lang naman ni Ariel ang bahay na iniwan ng namayapa niyang ina na si Mommy Elvie para matapos ang Kings of Reality Shows na siya rin ang nagsulat at nagdirek bukod sa pagiging bida.
Ilan pa sa mga bigtime personalities na nakuha ni Ariel Villasanta sa movie ay sina Coco Martin, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Antonio Trillanes, Jasmine Trias at si the late Eddie Garcia.
Dedicated sa mga struggling artists ang Kings of Reality Shows na comedy sa simula at dudurugin naman ang puso n’yo sa ending, kaya umaasa si Ariel na susuportahan at tatangkilikin ng manonood, lalo na ng mga millennial ang kanyang passion project.
Comentários