top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Galing retreat.. Jeep tumaob, 14 na estudyante nadale

Jeff Tumbado
Nov 17, 2019
1 min read

Photo: cdodev.com

Sugatan ang nasa 14 na estudyante matapos tumaob ang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan sa Cagayan de Oro City, kamakalawa.

Naganap ang insidente sa bahagi ng paibabang kalsada ng national highway na sakop ng Bgy. Diosdado Macapagal.

Dinala sa J.R. Borja Hospital ang mga nasaktang estudyante na pawang Grade 11 ng The Merry Child School sa Bgy. Bulua.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Rey Corpus, nawalan ng preno ang jeep habang bumabagtas sa paibabang kalsada.

Nabangga pa ng jeep ang isang sasakyan na nakaparada sa gilid na dahilan para ito tumagilid at tumaob.

Galing umano ang mga estudyante sa kanilang retreat sa Xavier University at nirentahan nila ang jeep para sila ihatid pabalik sa kanilang eskuwelahan.

Hindi naman nahagilap ng mga awtoridad ang driver ng jeep sa lugar ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page