top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Jessy, kaya 'di pinakakasalan... Luis, kumantang ayaw nang napipilitan lang

Julie Bonifacio
Nov 16, 2019
2 min read

Ipinaliwanag ni Luis Manzano ang tunay na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa siya nagpo-propose sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Marami na kasi ang tila nai­inip na magpakasal ang dalawa since ilang taon na rin naman ang kanilang relasyon.

Sa guesting nina Luis Manzano at Billy Crawford sa programa nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros na Magandang Buhay bilang bahagi ng kanilang promo para sa bago nilang reality-talent show format na Your Moment ay napag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa ng pa­nganay na anak ni Lipa Congresswoman Vilma Santos at ni Edu Man­zano.

Mismong si Billy ang nagbato ng ku­westiyon kay Luis kung kailan magpapakasal ang kanyang kaibigan.

“Sana soon… sana talaga. Dahil ito nga si Billy Boy, nakita ko naman kung gaano rin ka-happy. At siyempre, kahit papaano, naka­kainggit ‘yung nakikita mo ‘yung formality ng kanilang pagma­maha­lan. Pero siyempre, at the same time, ayokong madaliin, ayokong pi­litin,” paliwanag ni Luis.

Ayaw daw niyang matulad sa ibang couples na ikinasal pero kalaunan ay naghiwalay.

“Marami tayong kilala na ikinasal, hindi nag-work out. ’Pag tinanong mo kung bakit, kasi ang sagot nila, hindi pa pala ‘yun ang tamang time—pinilit, na-pressure sila sa pamilya, sa society.”

Inayunan naman ni Billy ang sinabi ni Luis.

“‘Pag alam mo naman ta­laga… and you will do everything, tama si Lulu Boy, hindi puwedeng pilitin ang hindi pa tama sa oras,” sabi naman ni Billy.

Pinuri pa ni Billy si Luis dahil sa pagka­ka­kilala niya sa kaibigan, eh, talagang pinaghahandaan ng anak ni Congw. Vi ang kanyang future at future family.

“Sobrang happy din ako para kay Lulu Boy kasi alam ko, malapit-lapit na ‘yan,” predik­siyon pa ni Billy.

Pero teka, baka naman nais pagbigyan ni Luis si Jessy na ma-enjoy muna ang career niya bago siya “itali” sa bahay kapag ikinasal na sila. At feeling namin, ma­gandang break for Jessy kung iri-remake niya ang movie ni Congw. Vi nu’ng dekada ‘80, ang Burlesk Queen.

Sa Facebook Live na tsikahan nina Luis, Jessy at Congw. Vi, nabanggit ng Your Moment host na may mga nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ng kanyang mommy at girlfriend. At nagkataon pa na pareho ng haircut ngayon sina Congw. Vi at Jessy kaya mas lumu­tang ang pagkakahawig nila.

Aliw na aliw naman ang Magandang Buhay hosts sa mga pahayag nina Luis at Billy sa kanilang programa.

Ang Magandang Buhay ay napapa­nood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page