Horoscope | Nobyembre 16, 2019 (Sabado)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 16, 2019 (Sabado): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ang buhay mo ay buhay ng kagandahan. Mamali ka man nang paulit-ulit, gaganda pa rin ang iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maaakit ka sa gandang panlabas, pero para sa iba, ito ay hindi maganda, ngunit, ito ay magsisilbi mong pampasigla kaya mapakikinabangan mo ito sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at lihim na may inggit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-15-28-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang saya ang madarama mo sa mga bago mong makakikilala. Huwag mong akalain na ito ay pagmamahal dahil kaya ka pinasaya ng langit ay para magpatuloy ka sa iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-28-31-32.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang dating lakas ng iyong likas na gayuma. Maaaring ang epekto nito ay makikipagbalikan sa iyo ang mga naging bahagi ng iyong nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-20-26-35-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi magandang hanapin ang nawala dahil ang mas maganda ay masayang salubungin ang magagandang kapalaran na parating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-25-38-45-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nagsama ang positibo at negatibo, malaki ang ikagaganda ng buhay ng mga taong negatibo. Ikaw na isang negatibo ay dapat dumikit sa positibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-20-21-27-28.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo ang mga hindi mo nagawa noon dahil takot kang mabigo. Ngayon ay mapakikinabangan mo na ang nagawa ng iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-20-24-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang sigla ang iyong madarama. Isang sigla na magmumula sa paniniwala mo sa iyong sarili at sa magandang hinaharap ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-15-20-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya kapag ang magkakasama ay nagkakaisa. Ito ang sikapin mong mangyari ngayon dahil ang hindi pagkakaunawaan ay magbubunga ng malalaking kabiguan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-24-29-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang maganda sa paningin dahil bakit ka susunod sa payo na huwag piliin ang maganda sa paningin? Ang hindi maganda sa paningin ay hindi rin maganda sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-26-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya ang pinakamaganda mong magagawa ay piliin kung saan ka tunay na makikinabang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-17-20-23-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nahuhulog ang bunga kapag hinog na. Ngayon ay hinog na hinog ka na para maging negosyante kung saan ang buhay mo ay uunlad nang todo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-30-37-42.




Comments