top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ipinalit sa beauty queen... Derrick, inirarampa na ang bagong GF

Nitz Miralles
Nov 15, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo: @dliviaa (right)

In love na naman si Derrick Mo­nas­terio at ipinakilala na ang GF niyang Brazilian model na si Livia Dumont at siya ang date ng aktor sa Thanksgiving Party ng GMA Network.

Sa interview sa isa sa mga bida ng Beautiful Justice, nabanggit nito na two months na ang relas­yon nila ng GF.

Naalala namin sa presscon ng Beautiful Justice noong ibi­na­lita ni Derrick na may bago siyang nililigawan after his break-up with a beauty queen. Hindi pa ni­ya ma­banggit ang name ni Livia dahil nililigawan pa lang niya that time, pero ngayon, ini­ra­­rampa na siya ni Derrick sa mga party.

Suportado ni Derrick si Livia kung gugus­tuhin nitong mag-showbiz, ang payo lang niya sa kanyang GF, mag-aral mag­salita ng Tagalog. Nanonood si Livia ng Beautiful Justice at ipinapa-translate niya kay Derrick ang Tagalog words na hindi niya maintindihan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page