top of page

Huwag hayaang dito umikot ang mundo mo... Tips para hindi matakot at ma-sad kahit walang pera

  • Twincle Esquierdo
  • Nov 15, 2019
  • 2 min read

Sino ba sa atin ang hindi natatakot mawalan ng pera? Wala naman, ‘di ba? Dahil sa pera, nagiging masaya tayo dahil nabibili at nakukuha natin ang mga bagay na gusto natin. Tama ba?

Gayundin, kapag wala tayong pera ay nawawalan tayo ng gana at nangangamba dahil hindi natin magagawa ang gusto nating gawin.

Sabi nila, sa pera lang umiikot ang mundo, pero alam n’yo ba na ang takot mawalan ng pera ay puwede ring maging dahilan para maging masaya?

Takot tayong mawalan ng kaibigan at mahal sa buhay dahil emotionally attached tayo sa kanila o dahil sa mga praktikal na dahilan.

Gayundin, natatakot tayong mawalan ng pera dahil ito ang nakatutulong sa atin para mabili ang ating pangangailangan.

Pero tandaan, ang pera ay ipinambibili at hindi parang tao na may pakiramdam kaya hindi ito dapat mahalin.

Gayunman, marami sa atin ang nagtatrabaho para magkapera, pero hindi sila totoong masaya.

Bagama’t, nasasabi nilang masaya sila dahil sa pera kung saan natutustusan nila ang kanilang pangangailangan at nabibili ang mga gusto, hindi nila nare-realize na hindi talaga sila masaya.

Bakit? Ito ay dahil naipagpapalit nila ang masayang buhay para sa kagustuhan at pangangailangan. Gayundin, ito ang halimbawa ng praktikal na dahilan kaya maraming natatakot mawalan ng pera.

Gayunman, may ilang paraan para hindi tayo matakot mawalan ng pera. Una, matuto tayong maging passionate sa trabaho, mahalin ito upang hindi mo maramdaman ang pagod dahil masaya ka sa ginagawa mo at makaiiwas pa sa stress.

Pangalawa, maghanap ng ibang trabaho kung saan alam mong maggo-grow ka at marami kang matututunan. Dahil dito, tataas ang value mo at darami pa ang expertise mo. Gayundin, makabubuti na isipin ang skills na makapagpapalago sa iyo para maging magaling ka sa field na gusto mo dahil kapag marami kang alam, mataas ang tsansa na tumaas ang suweldo mo at deserve mo naman ito.

Kaya mga ka-Bulgar, hindi dapat katakutan ang pagkawala ng pera dahil maraming paraan para kitain o maibalik ito sa atin.

Gayundin, mahalin natin ang ating trabaho nang sa gayun ay dito tayo magpokus at hindi sa takot na mawalan ng pera. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page