top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Nobyembre 15, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Nov 15, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2019 (Biyernes): Yayaman ka sa negosyo. Ito ang idinidikta ng iyong sa­rili na siyang dahilan kung bakit hindi ka mag­tatagal sa pamamasukan. Muli, sa ne­gosyo ka yayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-da­han ka at hu­wag kang mag­ma­dali. Sa pagiging ma­rahan, nakikita ang dapat makita at naiiwasan ang mga pag­kakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-28-29-30-35-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong iwasan ang mga hamon ng iyong kapalaran dahil malalaking suwerte ang ma­kukuha mo anuman ang mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-18-20-25-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ma­kabubuti sa iyo ang pagbalik sa nakaraan dahil pagsasa­yang lang ng oras ang gani­tong gawain. Harapin mo ang bukas dahil ang bukas ay ang iyong hinaharap. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-13-29-30-44.

CANCER (June 21-July 22) - Alisin mo ang pagdududa dahil hindi uma­abante ang buhay ng taong laging nagdududa. Kumilos ka nang kumilos at kumilos pa, ito ang kaila­ngan mong gawin sa iyong buhay. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-15-23-33-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Isa­buhay mo ang tuluy-tuloy na pagsisikap na ang ibig sabihin ay ipakita mo na ikaw ay seryoso sa iyong buhay. Ang pananda­liang pagiging seryoso ay hindi tunay na seryoso. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-21-27-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Yakapin mo ang malinis na layunin kahit may pagkakamali ka sa bu­hay mo. Sa pagyakap mo, muling mananariwa ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-18-20-28-30-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung hindi ka masaya, huwag ka nang mag­ta­gal pa. Kapag nagtatagal ang kalungkutan ng tao, puwede itong dapuan ng ka­ramdaman at maaaring hindi sinasadyang kumilos nang mali. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-25-33-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita dahil sa pagkukunwari, ang tao ay umaani ng masaklap na kabiguan. Sa pagtatago ng tunay na personalidad, pagsisisi sa huli ang inaani. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-16-24-26-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ipon ka ng lakas da­hil mahaharap ka sa maraming gawain. Huwag mong akalain na ka­kayanin mo ang mga res­ponsibilidad na nakaatang sa iyo kahit hindi ka mama­hinga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-17-20-21-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matata­pos mo nang mabilis ang mga gawain kung hindi ka hi­hingi ng tulong. Kung gaga­win mo ito, mas matata­ga­lan ka at ang tutulong sa iyo ay makakaistorbo lang. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-25-26-38-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw na darating ay sa iyo rin. Da­hil dito, huwag kang mang­hinayang na kumilos ayon sa iyong mga ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-19-27-30-36-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang hi­hinto dahil ayon sa kapa­la­ran mo, ang tinatahak mong lan­das ng buhay ay nakaharap sa katuparan ng iyong mala­laking ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-15-17-20-23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page