top of page
Pokwang.jpg

Malakas daw ang panghatak, Vice… Mayor Isko, pasok sa MMFF movie ni Coco

Erlinda Rapadas
Nov 14, 2019
1 min read

Kumpirmado nang kasama sa pelikulang entry ni Coco Martin sa darating na MMFF 2019 ang masipag at palabang Manila mayor na si Isko Domagoso Moreno.

Personal nang nagkita/nagkausap sina Coco at Mayor Isko. Ang talent fee ni Mayor Isko ay ido-donate pa rin niya sa PGH Foundation upang maka­tulong sa mga batang may cancer.

Magsasanib-puwersa sina Coco at Yorme Isko upang mas mapasaya ang mga bata sa Pasko. Parehong malakas ang kanilang personalidad, idagdag pa ang karisma nina Jennylyn Mercado at ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

So, sino naman kaya ang kukuning ‘guest’ ni Vice Ganda para ipantapat kay Mayor Isko sa kanyang MMFF movie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page