top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Horoscope | Nobyembre 14, 2019 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Nov 14, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2019 (Huwebes): Tutukan mo ang iyong am­bisyon at tiyak na ma­ku­kuha mo ito, gayundin, iwasan mong magamit ang lakas mo sa pagpatol sa mga umaaway sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kaba mo dahil naranasan mo na noon ang ganito, pero du­mating sa buhay mo ang iyong malalaking suwerte. Mali ka kapag iniisip mo na ang kaba ay hindi ma­ganda. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-8-10-14-28-29-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Akala mo lang ay mala­kas ang mga kalaban mo, pero ang totoo, mas malakas ka at masu­werte kaysa sa kanila. Ma­kipagsapalaran at sigura­dong mananalo ka at magu­gulat silang lahat. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-19-25-27-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Dagda­gan mo pa ang bilis mo kung saan ang mga karibal ay matutulala dahil hindi nila alam kung paano ka hahabulin. Bilis ng kilos at isipan ang mag­dadala sa iyo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-28-30-31-37.

CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka mag-aalinla­ngan, gayung kumikilos ang iyong kapa­la­ran na pabor sa mga ka­gustuhan mo? Maaaring hindi mo pa ito nadarama. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-23-31-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kaya may mga kai­bi­gan ang ba­wat tao ay para sa panahong nakadarama ng lungkot, may kaibigang masasandalan. Mamili ka sa maraming kaibigan mo ng iyong mapagkakati­wa­laan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-29-30-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Huwag kang malito! Sa ba­wat gabing ma­dilim, may magandang uma­gang darating. Kaya sa dilim ng buhay, mas ma­gan­da ay maging mapag­hintay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-27-33-35-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag masa­kit sa tainga ang musika, mag­ha­nap ka ng iba. Ito ang gawin mong gabay sa bu­hay mo kung may patu­loy na nagpapasakit ng ulo mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-18-22-27-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi sapat ang mga dahilan mo para humin­to ka sa pagsisikap. Ang totoo, ang mga kabiguan ay dapat gawing tuntungan para la­long mangarap. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-28-30-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang nananatili rito sa ibabaw ng mundo, kaya ang narara­na­san mong hindi maga­gan­dang pangyayari ay hindi rin magtatagal. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-7-19-24-29-38-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang iyong kaila­ngan. Huwag mong hayaang ma­apektuhan ka ng mga taong negatibo na maaaring ma­kasira sa diskarte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-26-37-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Simple lang ang susi para sumaya ka at ito ay noon pa rin na­mang nagagamit mo kung saan ikaw ay lumalayo sa may pa­ngit na kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-19-20-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahon o pera, saan ka? Na­kagugulat ka­pag kahon ang pinili mo dahil may yaman na ma­ku­kuha ka at may pag-ibig na masaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-17-26-28-35-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page