Lady Guardians, nagmalupet sa Valiants ng CVA U-18 women’s

Umabot sa mainitang paluan ang naging bakbakan sa pares ng pinakabagong community-based volleyball tournament sa bansa, ang Community Volleyball Association (CVA) U-18 women’s volleyball division sa San Andres Sports Complex nitong Linggo.
Pinataob ng Stalwart Volleyball Club-Lady Guardians ng Biñan, Laguna ang palabang Lady Valiants RiseUps sa bisa ng 25-18; 21-25; 25-21; 27-25 panalo sa maigting na bakbakan sa unang game.
Matinding power strikes ang pinakawalan ng Guardians, sa pangunguna ni A. Fernandez ngunit ang power play at pagmamando ni Abby Aguila ng RiseUps ang pumigil sa mahigpitang labanan sa simula at pagtatapos ng hatawan.
Sa unang set pa lamang, iwinasiwas agad ni Fernandez ang apat na magkakasunod na aces para sa 16-9 kalamangan ng koponan tungo sa 25-18 pagsasara ng laro sa firts set.
Ngunit ang isinagawang sistema ni Aguila, tumayong Agila ng koponan, ang bumuhay sa kanilang kampanya para isalansan ang 25-21 panalo sa 2nd set, sa tulong ng mga pag-ayuda na rin ni Aguila.
Hindi nawalan ng kumpiyansa ang Guardians at muling ikinasa ang kanilang power attacks at blocks para kunin na ang panalo sa 3rd at 4th sets.
Sa kabilang dako, naiporma ng defending Batang Pinoy champion California Academy ang kanilang sistema sa laro para hadlangan ang St. Marks Lady Bisons, 25-14; 25-24 at 28-26 (3 deuces) sa ikalawang laro.
Ang great attacts ni Jelaica Gajero, nagsalansan ng 14 puntos at blockings ni Shaina Marie Nitura ang labis na nagpahirap sa matinding posisyon ng Lady Bisons ng Laguna.





Comments