Ganda na lang daw ng misis ang makuha… Wish ni Erwan: Baby namin ni Anne, sa akin magmana ng boses
Nitz Miralles / Bida

Halos magkasunod palang manganganak ang maghipag na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis dahil kung seven months pregnant si Solenn, five months pregnant naman daw si Anne.
Sa pinakahuling post ni Solenn, nabanggit na 28 weeks na ang ipinagbubuntis niya at ilang weeks na lang ang hihintayin nila ng asawang si Nico Bolzico para makita na nila ang kanilang baby girl.
Anyway, nagpalitan ng wedding anniversary message sina Anne at Erwan sa second year nila bilang mag-asawa dahil November 12 nang ikinasal sila. Panalo ang anniversary message ni Erwan kay Anne.
“Celebrating 2 years of marriage with this beautiful lady today. I never thought that hundreds of days could feel link a blink. This will be the last time we spend it alone, before we are overwhelmed by the love for our child. Sleepless nights and longer days, I’m ready for all of it. With a tough woman like you, we have nothing to worry about it. I hope our kid has your looks, but my voice. Jet’aime mon amour.”
Na-curious tuloy ang mga followers ng mag-asawa sa sinabi ni Erwan na “my voice” at gusto nilang marinig itong kumanta.





Comments