top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BF, hiniwalayan dahil palaging nag-aaway, mas magiging hapi sa piling ng iba

Maestro Honorio Ong
Nov 13, 2019
1 min read

Dear Maestro, Naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil palagi kaming nagtatalo kahit maliit na bagay lang. Nakipag-break ako dahil hindi na ako masaya at baka hindi kami para sa isa’t isa. Na-realized ko na malungkot pala talaga ang maging single dahil nasanay ako na may BF. Itatanong ko kung kailan ulit ako magkaka-boyfriend at kapag nagka-boyfriend ako, pangmatagalan na kaya ‘yun at kami na ang makakatuluyan? June 2, 1993 ang birthday ko.

Umaasa, Pauline ng Bagbag, Rosario, Cavite

Dear Pauline, Huwag ka nang malungkot dahil kahit nagkahiwalay kayo ng ex mo, ang solusyon d’yan ay maghanap ka ng ibang boyfriend.

Ayon sa zodiac sign mong Gemini, upang maging pangmatagalan ang susunod na pakikipagrelasyon at sa bandang huli ay kayo na rin ang magkakatuluyan, kailangan, ang zodiac sign ng lalaking iibigin mo ay Aquarius, Libra o kapwa mo Gemini na may mga birth date na 7, 16, 5, 1, 10, 19, 28, 2, 11, 20 at 29.

Sila ang mga ka-compatible mo, kaya sa piling ng mga lalaking nabanggit, tiyak ang magaganap, makasusumpong ka ng maligaya at panghabambuhay na pag-ibig na maaaring humantong sa maunlad at panghabambuhay na pag-aasawa, na ayon sa iyong Love Calendar ay nakatakdang mangyari sa 2020, sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page