top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktres, level-up... Lotlot, manager na ng basketball team

Janice DS Navida
Nov 13, 2019
2 min read

Photo: @ms.lotlotdeleon

May bagong career ang magaling na aktres na si Lotlot de Leon, ang pagiging manager ng basketball team!

Yes, katuwang ang asawang si Fadi El Soury at ilang kaibigang abogado, binuo nina Lotlot ang basketball team na tinawag na Quezon City Defenders na siyang magiging pambato ng lungsod ng Kyusi sa gaganaping National Basketball League (NBL), a regional amateur basketball league in the Philippines.

Sa presscon na ipinatawag ni Lotlot at ng kanyang team upang ipakilala ang 20 players ng Quezon City Defenders na binubuo ng mga kabataang taga-Kyusi na may edad 18-29, paliwanag ni Balot, bukod sa hilig niya sa basketball, gusto nilang suportahan ang pangarap ng mga kabataang ito na makilala sa mundo ng sports, lalo’t ang kanyang bunsong anak na si Diego Gutierrez ay kabilang sa 20 players.

Mula pagkabata, basketball talaga ang hilig ni Diego at hindi showbiz tulad ng kapatid na si Janine at suportado naman ito ni Lotlot.

Samantala, natanong ang ibang players ng Quezon City Defenders kung sinu-sino naman ang mga ‘crush’ nila sa showbiz at may sumagot na Nadine Lustre, Liza Soberano, Kim Domingo, Coleen Garcia, Ivana Alawi at Janine Gutierrez.

Isa naman ang mister ni Matet de Leon at bayaw ni Lotlot na si Mickey Estrada sa mga tumatayong coaches ng team.

Wish ni Lotlot at ng kanyang mga partners sa team na maging successful ang binuo nilang Quezon City Defenders para magtuluy-tuloy ang kanilang bagong venture sa pagma-manage ng basketball team.

Samantala, sa interview namin kay Lotlot, nabanggit niyang magkasama sila ng kanyang Daddy Boyet de Leon sa bagong On The Job movie, kaya natanong na rin namin siya kung posible rin bang magkasama sila ng kanyang Superstar mom na si Ms. Nora Aunor sa isang pelikula.

Sagot niya, “Bakit hindi, ‘di ba? Why not? I’m sure kung may magandang offer, baka.”

Nakumusta namin ang ‘status’ nila ni Ate Guy dahil matagal na silang may tampuhan. Aniya, okay naman sila at hindi na siya nagdetalye, pero siyempre looking forward siyang magkakaayos din sila one day.

‘Yan naman talaga ang inaabangan ng mga Noranians. Kung sina Gretchen at Mommy Inday Barretto nga na nag-word war pa noon, nagkaayos, sila pa kaya ng kanyang Mommy Guy, eh, hindi naman naging maiskandalo ang tampuhan nila, ‘di ba?

Tamang panahon lang, ‘ika nga.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page