top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Puwede namang iwasan basta knows mo ‘to... Kape, alak at gadgets, ilan lang ito sa mga dahilan ng mi

Twincle Esquierdo
Nov 12, 2019
2 min read

Naranasan n’yo na bang magka-migraine? Ayon sa mga eksperto, ang migraine ay isang uri ng sakit ng ulo at bagama’t, bihira itong maranasan, walang senyales kung kailan ito aatake.

Mabigat sa pakiramdam kapag naranasan ito at kapag umatake, hindi makapagko-concentrate nang maayos ang inaatake. Gayunman, narito ang mga dapat iwasan para hindi magkaroon ng migraine at para madaling tandaan, gamitin natin ang salitang “chocolate” bilang mnemonic.

1. C-AFFEINE. Ang mga inumin na may caffeine tulad ng kape, cola at tea ay nakapagdudulot ng sakit ng ulo, lalo na kapag sumobra sa apat na baso ang nainom kada araw. ‘Ika nga, masama ang sobra.

2. H-ORMONAL HEADACHES. Malaki ang posibilidad na sumakit ang ulo ng mga babaeng may menstruation o buwanang dalaw dahil bumababa ang kanilang estrogen at progesterone. Sa mga buntis naman, tumataas ang estrogen level at ang mga nasa menopausal stage ay nakararamdam ng mas maraming sakit ng ulo.

3. O-ver the Counter MEDICINES. Marami ang umaasa sa OTC medicines dahil mura ito at madaling bilhin. Bagama’t, epektibo naman ito, hindi ito palaging inirerekomenda ng mga eksperto dahil hindi lahat ng sangkap nito ay angkop sa lahat ng sitwasyon. Dahil dito, mabuting kumonsulta sa doktor upang malaman kung ano ang gamot na dapat mong inumin.

4. C-HANGES IN WEATHER. Dahil pabagu-bago ang panahon, nagiging labas-pasok ang init at lamig sa ating katawan na nagiging dahilan sa pagkakaroon ng ubo, sipon at pananakit ng ulo.

5. O-VERWORK. Marami sa atin ang nagiging workaholic kung saan hindi napapansin ang oras at isa ito sa mga dahilan ng stress at labis na pagsakit ng ulo. Gayundin, kung mapapadalas ang stress at pagod, mataas ang tsansa na umatake ang migraine at dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na magpahinga ng ilang minuto kapag nagtatrabaho.

6. L-ACK OF SLEEP. Ang kakulangan sa tulog ay maraming epekto sa pisikal at mental na kalusugan. Ayon sa mga eksperto, may masamang epekto ito sa memorya at sirkulasyon ng dugo sa utak, gayundin, ito ang dahilan ng pagkahilo na puwedeng mauwi sa pagsakit ng ulo.

7. A-LCOHOL. Kapag nakainom ng alak, ihi nang ihi ang nakainom na maaaring mauwi sa dehydration. Sey ng experts, kapag nanatiling dehydrated ang indibidwal, mahihirapan itong mag-function at maaaring mauwi sa matinding pana-nakit ng ulo.

8. T-OO MUCH GADGET. Ayon sa mga eksperto, maraming nakararanas ng pagkahilo sa biyahe o “biyahilo” dahil sa paggamit ng gadget kapag bumibiyahe. Bagama’t, isa itong paraan ng paglilibang kapag traffic o mahaba ang biyahe, may iba pang paraan para maglibang tulad ng pagtingin sa paligid ng dinaraanan.

9. E-XERCISE. Kapag hindi maganda ang pakiramdam, may ilan na patuloy na nag-eehersisyo para gumaan ang kanilang pakiramdam, pero ayon sa mga eksperto, hindi ito dapat gawin dahil nakasasama lang ito. Inirerekomenda lang ang pag-eehersisyo kapag mabuti na ang pakiramdam upang makaiwas sa sakit, gayundin, para maging mas maayos ang daloy ng dugo.

Mga besh, huwag kalimutan ang “chocolate”, okay? Hindi man 100% na naiiwasan ang mga ito, siguraduhing napapangalagaan n'yo ang inyong katawan upang maiwasan ang migraine. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page