Bida sa sex video scandal, todo-banat sa senador… Sigaw ni Jim: GMA-7, pera-pera, Bong, 'di role
- Ador Saluta
- Nov 12, 2019
- 1 min read

Akala ng marami, mananahimik na ang veteran singer at OPM legend na si Jim Paredes dahil sa kanyang viral video scandal nitong nakaraang ilang buwan, pero na-surprised ang mga netizens because Jim is back sa social media dahil sa pagbatikos sa kanyang kapwa artista.
Matatandaang malayang binatikos ni Jim si Senator Bong Revilla, Jr. noon dahil sa pagkakasangkot nito sa PDAF controversy. At dahil nakarating sa singer na may plano ang GMA-7 na muling bigyan ng television show ang senador, umarangkada na naman ang kanyang pagpuna.
“PERA, PERA, PERA lahat. Ok lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” reaksiyon ni Jim sa picked-up report ng isang entertainment website.
Picked-up report dahil ang PEP.ph ang unang naglabas ng balita tungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Bong sa telebisyon na kinopya ng entertainment website.
Dagdag na pahayag ni Jim, “Why would a franchise ALLOW this? That is the bigger question. They have social and corporate responsibilities. Their airwaves belong to the Filipino people.”
May mga pabor at kumampi sa pahayag ni Jim, pero may ilan ding ibinalik sa singer ang mga batikos nito laban kay Sen. Bong dahil sa video scandal niya.
Mas magiging kapani-paniwala nga naman ang ipinaglalaban ni Jim kung sakdal-linis ito at walang video scandal na isusumbat sa kanya, kahit humingi pa siya ng paumanhin.
Sabi pa nga ng isang netizen, “Let him who is without sin cast the first stone.”
Korek!





Comments