No boyfriend since birth pa rin daw… Sanya, todo-deny sa kapamilya actor na si Gab Lagman
- Erlinda Rapadas
- Nov 11, 2019
- 1 min read

May nilinaw na isyu si Sanya Lopez noong mediacon ng Beautederm kung saan isa siya sa mga napiling ambassadors ng produkto ni Ms. Rhea Tan kasama nina Camille Prats, Ken Chan, Rita Daniela at Pauline Mendoza. Ito ang tungkol sa diumano ay boyfriend niya for five months na si Gab Lagman, ang Kapamilya actor na nakasama sa serye ni Jericho Rosales na Halik.
Ayon kay Sanya, naging close friends lang sila ni Gab at walang seryosong relasyon. Inamin din naman ito ni Gab sa media kaya kayang panindigan ng sexy Kapuso actress ang dati niyang litanya na no boyfriend since birth (NBSB) siya.
Pero mukhang may mga secret admirers ngayon si Sanya na naghihintay lang ng tamang panahon upang ligawan ang sister ni Jak Roberto.
Nararamdaman naman daw ng Kapuso actress na meron ngang mga guys na gustong makipag-close sa kanya, pero ayaw naman daw niyang pangunahan ang mga ito. Besides, sa career naka-focus ang panahon ngayon ni Sanya. May goal pa siya na gustong abutin.
When it comes to her role sa pelikula man o telebisyon, wala naman siyang pinipili. Gusto rin niyang subukan ang iba’t ibang roles.
Lumalaki na ang pangalan ni Sanya Lopez kaya marami nang offers na product endorsements. Swak na swak sa kanyang ganda ang Beautederm beauty products. Mas lumutang ang kanyang morena beauty.





Comments