Pareho naman daw sila… Kumpirmado: Relasyon ni Angel sa kapwa babae, tanggap ng anak!
- Julie Bonifacio
- Nov 9, 2019
- 3 min read

Masarap kausap ang bagong indie star na si Iana Bernardez na anak ng magaling na aktres na si Angel Aquino. Naka-one-on-one namin siya kamakailan at ang dami niyang pinakawalang rebelasyon, huh?
Kasama sa cast ng Metamorphosis si Iana na isa sa walong competing entries sa 15th Cinema One Orginals na nagaganap ngayon.
“‘Yung movie namin sa Cinema One Originals na Metamorphosis is directed by J.E. Tiglao. It stars Gold Aceron and he is an intersex, or what we commonly known as hermaphroditus. So, ‘yung type niya ng intersex is meron siyang both reproductive organs ng male and female. So, pinalaki siyang lalaki kasi siguro, nu’ng bata siya, mukha naman siyang lalaki. But then, nu’ng naging adolescent siya, nagkaroon siya ng period, niregla siya,” kuwento ni Iana.
Nangyayari raw talaga ‘yun sa totoong buhay.
Ang role naman ni Iana ay 24-year-old prosti na ang pangalan ay Angel.
Ang goal daw ng movie ay iparating sa mga tao na bigyan ng choice ang intersex and make him decide. May kissing scene raw siya sa movie with Gold.
Unlike ‘yung mga kissing scenes niya sa first major film niyang Gusto Kita With All My Hypothalamus, easy lang daw ang kissing scene niya with Gold sa movie.
Kinabahan daw siya sa kissing scene niya with Soliman Cruz sa Hypo. At marami rin ang nagulat kung bakit pumayag si Iana sa mga eksena niya sa naturang film.
“Uh, unahin natin ‘yung reaction ng daddy (Ian Bernardez) ko. Hindi siya nakatingin. Sabi niya, ‘Gusto kong upakan.’ Siyempre, tatay, eh. Hindi lang si Sir Soliman, even the other men sa movie na may love scene kami. And ano, ayun, sabi niya, ‘Oh, hindi ko kayang tingnan,’ ganyan.”
Sinabi na rin niya sa daddy niya na may kissing scene siya sa Meta.
“Sabi niya, ‘Ano, matanda na naman?’ Sabi ko, ‘Hindi, bata naman.’ Hahaha! Bata naman. May eksena rin na wala akong bra, pero nakadamit.’ Doon siya, ‘Bakit?! Bakit wala kang bra? Nakadamit ka naman, eh, di sana, pinagdamit ka na lang?’ Sabi ko, ‘Para hindi mabasa ‘yung bra, ganyan.’ Matagal matuyo, eh. Ayun, sabi niya, ‘Sige, sige, sige. Alam naman natin na work is work. Professional. Okey,’” lahad pa ni Iana.
May kani-kanyang partners in life ang Daddy Ian at Mommy Angel ni Iana pero friends naman daw ang mga ito. Dalawa lang silang anak ni Angel sa daddy ni Iana.
Okey lang daw sa kanya na babae rin ang partner ng mommy niya ngayon.
“I grew up naman na she would have relationships that would work, that wouldn’t work. And, what stays naman is that I have a good relationship with my mom. Kasi, we’re best friends. No issue (girl ang partner ni Angel), ‘coz we’re very… ewan ko, open kami sa family, very.”
Pagkatapos ay inamin ni Iana sa amin na nagkaroon din siya ng girlfriend dati.
“It was easy. I didn’t have to hide her. I didn’t have to. Alam ni Mommy. My mom treated her like a daughter. Pero wala na kami. But we were almost three years. That was after college and hindi siya taga-showbiz.”
Schoolmates daw sila ng ex-gf niya pero naghiwalay din dahil sa trabaho niya sa production that it took so much of her time.
“Parang hindi naman nagulat si Mommy kasi galing ako ng exclusive girls school. So, sanay siya sa, ‘Mommy, may crush ako sa school.’ Sanay siya, and tapos, marami rin kasi si Mommy na lesbian friends. Our family, we’re not the only ones who had girl relationships. So, it’s something very accepted in the family, yeah.”
Then, we asked her ano’ng letter siya sa LGBTQIA+ community.
“Uh, more BI. Siguro BI, but when I’m in a relationship with a girl, I’m girly, not boy. I’ve never been boying. Girly, oo. Hindi ‘yung parang butch, oo. Pero hindi ko rin type ‘yung butch. Gusto ko girly din.”
But now, she’s open kung ano’ng gender ang dumating at ma-in love siya. Ang importante, mabait na tao, mabait sa kanya at sa pamilya niya.
Comments