Immature, nakipaghiwalay sa BF after 5 yrs., gustong makipag-usap ulit
- Roma Amor
- Nov 9, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong Jen. Naguguluhan ako lately sa nararamdaman ko, parang gusto ko ulit makipag-usap sa ex ko. First BF ko siya at hindi pa ulit ako nagka-BF after 5 years. Dalawang taon ang naging relasyon namin at ako ang nakipaghiwalay dahil sobrang immature ko to the point na wala akong nararamdaman dahil na rin sa problema sa pamilya. He tried to win me back, pero ayaw ko na talaga at pagkatapos nu’n, hindi na kami nag-usap ulit kahit friends pa rin kami sa social media. Gusto kong mag-sorry sa kanya kahit sobrang tagal na nu’n. Tama ba ang naiisip ko? — Jen
Jen, Minsan, ang pag-iisip sa ex kahit matagal na ang break-up ay sign na hindi ka pa nakaka-move on o bored ka lang. Pero kung sa tingin mo ay kailangan mong humingi ng tawad sa kanya, gawin mo. Dahil kung paulit-ulit itong pumapasok sa isip mo, it’s a sign na dapat kang humingi ng tawad. Huwag kang matakot dahil baka ito ang kailangan mo para mapanatag ang iyong kalooban at malay mo, ganundin siya. Alam mo, minsan, kailangan din nating ma-settle o maayos ang ating past para magkaroon tayo ng maayos na future. Good luck!




Comments