top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Horoscope | Nobyembre 9, 2019 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 9, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 9, 2019 (Sabado): Kung gaano kalaki ang kaba mo na mabigo, ga­yundin kalaki ang tagum­pay na mapasasaiyo, ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong takutin ang sa­rili mo, sugu­rin mo ang ambisyon mo. Walang pagdududa na ma­pasasaiyo, sa halip, kahit marami at malalaki ang am­bisyon mo, mapasasa­iyo ang mga ito. Masuwer­eng kukay-blue. Tips sa lotto-10-19-22-27-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang sarili mo. Kapag uma­senso ka saka mo tu­lungan ang mga gusto mong tulungan. Ito ang sikreto para mabigyan ng magan­dang buhay ang iyong mga minamahal. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-24-25-34-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nahihirapan ka, magpatulong ka. Ang mali ay kapag hin­di mo na kaya ay sinasarili mo pa. Ang mga kaibigan at ginawan mo ng kabu­ti­han ay puwedeng-puwedeng makatulong sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-20-27-41-45.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong maliitin ang sarili mo at huwag ka ring mag-alinla­ngan sa kakayahan mo. Ma­rami sa mga nagtagumpay ay alam na alam nilang sila ay mahina, pero hindi su­mu­ko. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-12-14-29-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­ha­munin ka ng iyong kapala­ran, pero ikaw ang mananalo. Dahil ang gusto ng iyong kapalaran ay maging mas matatag ka at matibay laban sa mga pag­subok. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-18-21-23-35-39-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo lang kahit nadudu­wag ka dahil ang mga plano mo sa buhay ang magpapaunlad sa iyo. Kapag nakita mong umaayon sa iyo ang takbo ng mga pang­yayari, tiyak na tatapang ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-14-16-25-30-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga naninira sa iyo dahil naiinggit lang sila. Huwag mong kaliligta­an na maganda talagang si­nisiraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-23-28-30-31-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang tamang pa­nahon para ali­sin sa buhay mo ang mga walang silbi at nakagugulo sa mga diskarte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-27-28-30-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat kang makina­bang sa bawat gaga­win mo. Ito ang lihim para umabante ang buhay ng mga umaasenso at mayaya­man. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-20-24-41-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Magbibi­ngi-bingihan ka sa mga taong walang ginawa kundi mang-abuso sa iyo kung saan ka­pag ikaw ang may kailangan ay nagtatago sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-22-24-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo kung ano ang gusto mo. Sa ganitong paraan, maku­kuha mo ang talagang gusto mo. Huwag mong isipin na alam mo na ang gusto mo da­hil hindi mo ito makuku­ha. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-27-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan, mas maganda ang nag-iisa at ito ang ibubulong mo kapag may nakasama kang kontra nang kontra at nakagugulo lang sa gusto mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-21-23-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page