top of page
Pokwang.jpg

Gamit na gamit daw siya sa movie nina Ruru at Jasmine… Resbak ng fans kay Bianca: Bakit, kagamit-gam

Erlinda Rapadas
Nov 9, 2019
1 min read

Mali ang ginagawang depensa ng mga fans and supporters ni Bianca Umali sa diumano’y insidente ng muntik na pananagasa ng kanilang idolo sa boyfriend niyang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Pinagselosan kasi ni Bianca ang leading lady ni Ruru sa pelikulang Cara X Jagger na si Jasmine Curtis-Smith.

Nabanggit lang sa mga write-ups na dating crush ni Ruru si Jasmine, na-insecure at nagselos na si Bianca. Marami ang naka­sak­si sa ginawang ito ni Bianca. Mismong tatay ng Kapuso actor ay nakita ang nasabing insidente.

Negatibo ang naging epekto nito kay Bianca. Besides, hindi naman siya invited sa premiere night ng Cara X Jagger.

To the rescue agad ang mga loyal fans ni Bianca at sinabing nagagamit ang kanilang idolo para lang paingayin at i-promote ang Jasmine-Ruru movie. Buwelta naman ng mga netizens, “Bakit, kagamit-gamit ba si Bianca para sa promo ng Cara X Jagger?”

Marami ang nagpapayo kay Bianca na dapat kontrolin ang kanyang pagiging selosa at possessive. Walang tatagal na lalaki kapag sobrang selosa at insecure ang kanyang girlfriend. ‘Di ba, selos din ang dahilan kaya inayawan na ni Miguel Tanfelix si Bianca?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page