top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Construction worker na 3 beses makakapag-abroad at maisasama ang pamilya sa ibang bansa

Maestro Honorio Ong
Nov 9, 2019
2 min read

Dear Maestro, Nagtatrabaho ako sa construction bilang mason at maliit lang ang suweldo ko kaya kulang ‘yun para sa pamilya ko kaya balak kong mag-abroad para mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya. May pag-asa ba akong makapag-abroad at kung meron, giginhawa kaya ang buhay ko roon? Sana ay maanalisa ninyo kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran, nababahala ako at nag-aalala sa magiging kinabukasan ng aking mga anak dahil baka hindi sila makatapos ng pag-aaral at matulad sa akin. Nangungupahan lang kami kaya malaki ang gastos, kaya pangarap ko ring magkaroon ng sariling bahay at lupa, kahit maliit lang. Matutupad kaya ang munting pangarap kong ito para sa aking pamilya? July 6, 1985 ang birthday ko.

Umaasa, Aladin ng San Nicolas, Pasig City

Dear Aladin, Ang birth date mong 6 sa destiny number na 9 (7+6+ 1985=1998/ 19+98=117/ 11+7=18/ 1+8=9) at sa zodiac sign na Cancer ay nagsasabing, matalino ka at may likas na husay sa mga gawaing may kaugnayan sa sining. Dahil sa katalinuhang ito at kahusayan sa konstruksiyon, kahit hindi ka nakatapos ng kolehiyo, darating ang panahon na matutupad mo ang mga pangarap mo sa iyong pamilya.

Gayunman, ang numerong 6 sa iyong kapalaran ay representasyon ng planetang Venus na nagsasabing, basta palagi kang may wagas at dalisay na pag-ibig sa iyong pamilya, darating ang panahong pagpapalain ka ng tadhana.

Gayundin, ayon sa iyong Travel Calendar, sa kumbinasyon ng numero at zodiac sign mong Cancer, nakatakda kang makapunta nang dalawa hanggang tatlong beses sa iba’t ibang bansa. Ang una mong pangingibang-bansa ay maaaring maganap sa Middle East, ang susunod ay sa U.S. at ang ikatlo ay posibleng mangyari sa Canada.

Tulad ng nabanggit, ang lahat ng ito ay magagawa mo dahil sa kasalukuyan mong trabaho na may kaugnayan sa sining at konstruksiyon. Dahil sa nasabing trabaho, aasenso ka at makakabili ng sariling lupa at makapagpapagawa ng simpleng bahay.

Lilipas ang panahon at sa ikalawang pagkakataon, muli kang makapag-a-abroad at makakaipon ng pera, ngunit ang perang maiipon ay maaari mong gamitin upang makapag-abroad kang muli sa mas maunlad ng bansa.

Sa ikatlong pag-a-abroad, saanmang bansa na nais mong puntahan, doon ka uunlad at sa bandang huli, mapepetisyon mo ang iyong mag-anak upang sa paglipas pa ng mga taon, masaya at sama-sama kayong maninirahan ng iyong pamilya sa nasabing maganda at maunlad na bansa kung saan ayon sa Travel Calendar ay nakatakdang mangyari sa 2031 at sa edad mong 46 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page