top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BF ni Jennylyn, kinulit-kulit daw… Marian, umaming si Dennis ang dahilan kaya nagkabati sila ng dati

Vinia Vivar
Nov 9, 2019
2 min read

Si Dennis Trillo pala ang partly ay naging mitsa sa pagkakaayos kamakailan ni Marian Rivera at ng dating manager ng aktres na si Popoy Caritativo.

Ayon sa kuwento ng aktres sa renewal of contract niya as the face of Re­verie by Beautederm Home last Thursday, humingi siya ng tulong kay Dennis na as we all know ay talent ni Popoy.

“Si Dennis ang isa sa mga dahilan. Humingi ako ng tulong kay Dennis. Kasi nagkita kami sa Avon Run. Ayun, kinulit ko siya nang kinulit. Tapos, sabi ko kay Jennylyn (Mercado, girlfriend ng aktor), ‘Jennylyn, ha, ipaalala mo kay Dennis ‘yan.’ Sabi niya, ‘Oo, Yan, oo, Yan.’ Ayun,” kuwento ni Marian.

She added, “Binigyan naman ng pagkakataon. Nakuha sa matinding pagdarasal nang ilang taon. At least, ano rin, kailangang maghintay talaga ng tamang panahon para mag-heal ‘yung mga bagay na. . .”

Sobrang happy daw niya talaga na finally ay nang­yari na ang matagal na niyang idinarasal at masaya raw siya na makita ulit si Popoy.

“Lahat ng mga bagay-bagay ay nakukuha talaga sa pagdarasal. So, isa ‘yan sa mga ipinagdarasal ko talaga dahil sabi ko nga, si Popoy talaga ay isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko,” she said.

Ayon pa sa aktres, kung nasaan man siya ngayon ay utang na loob niya talaga sa dating manager.

“Basta mahal ko siya mula noon hanggang ngayon at kung nasaan man ako ngayon ay utang na loob ko sa kanya at ang utang na loob na ito ay tatanawin ko talagang utang na loob hanggang sa nabubuhay ako,” pahayag pa ni Marian.

Samantala, masayang-masaya rin si Marian na muli siyang nag-renew ng kontrata sa Beautederm. Parang kailan lang daw nang una siyang pumirma at ngayon ay contract-signing na naman.

Kung dati ay nagsimula lang sa kandila ang Beautederm Home, ngayon ay may diffuser na sila at marami pa raw silang balak na ilabas na produkto in the near future.

Ayon naman sa president and CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan, siya ang mas dapat magpasalamat at maging proud na pinagbigyan sila ni Marian at tinanggap ang offer niya na maging endorser ng kanilang produkto.

Sobrang happy din si Rhea na napaka-effective endorser ni Marian at lagi raw sold-out ang produktong ini-endorse nito sa Beautederm Home.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page