Bangkay, natagpuan sa sagingan
Pabs Hernandez III
Nov 9, 2019
1 min read
Negros Occidental—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuan sa sagingan sa Bgy. Minoyan, Murcia.
Ang biktimang nasa middle-aged ay patuloy pang kinikilala ng mga awtoridad.
Ayon sa imbestigasyon, ilang residente ang nag-report sa pulisya kaugnay sa natagpuang bangkay ng biktima sa naturang lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Dinala na ang bangkay ng biktima sa medico-legal laboratory para maawtopsiya.





Comments