3rd straight, itinala ng Bicol Iloilo at Valenzuela, naka-2 na
- MC
- Nov 9, 2019
- 1 min read

Ganado na sa mga laro ang Iloilo United Royals at ang Valenzuela Classic lalo na at mainit na rin ang game ng Bicol Volcanoes nang sumagupa sa Valenzuela City.
Umiskor ang 5 players ng double figures, ginapi ng Royals ang Bacolod Master’s Sardines, 89-81 habang sinandalan ng Classic si Val Acuna na nagpakabangis kontra Pasay Voyagers, 77-61.
Nakadalawang sunod nang panalo ang Royals at Classic at lumalagablab ang tsansa sa playoffs drive sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season. Sinilaban ng Volcanoes ang Nueva Ecija Rice Vanguards para itala ang ika-3 straight victory, 70-58 at ipatas na sa 11-11 ang kartada sa South division ng 31-team MPBL. Umakyat ang Royals sa 11-8 para sa South habang ang Classic ay umibayo sa 9-12 sa North division.
Nanguna si Richard Escoto para sa Royals sa bisa ng 22 puntos at 7 rebounds kasunod ni JR Parker sa 15 points, may 12 si Aaron Jeruta habang may tig-10 sina Ryan Arambulo at Al Francis Tamsi. Nasagap ng Bacolod ang ika-5 diretsong talo at sumadsad sa 6-13.
Si Acuna, ang MVP ng inaugural MPBL Rajah Cup na naglalaro sa Batangas City Athletics ay kumunekta ng lima sa pitong tangka niya, lima sa 7 tres na tangka, lima sa 2-pointers at 2 charities para sa night-high 27 points. Ang Bicol ay nakakuha ng 13 puntos mula kay Alwyn Alday at 11 mula kay Ronjay Buenafe.








Comments