Horoscope | Nobyembre 8, 2019 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 8, 2019 (Biyernes): Kapag nagawa mo ang unang paglalakbay, masusundan ito ng marami pang paglalakbay dahil ito mismo ang utos sa iyo ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakasan mo ang loob mo, harapin mo ang pakikipagsapalaran sa malalayong lugar. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-24-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa malalayong lugar, magdaratingan ang maagang mga regalo mo. Mula sa malapit, tatanggap ka pa rin ng mga regalo na ikagugulat mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-12-25-35-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbalik ang mayamang imahinasyon mo kaya malilito ka sa dami ng magagandang ideya na puwedeng magbigay sa iyo ng dagdag na yaman. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-17-23-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot sa mga kumakalaban sa iyo, sila ang dapat kabahan dahil mas malakas ka at masuwerte kesa sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-19-21-31-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na maiimpluwen-siyahan ka ng akala mo ay magandang ideya na sa huli ay maaagrabiyado ka. Humingi ka ng opinyon sa mga pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-15-29-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mukhang tinatalo ka ng mga negatibong kaisipan. Baguhin mo ang ayos ng mga kasangkapan sa iyong bahay. Buksan mo ang mga bintana at papasukin ang simoy ng sariwang hangin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-18-26-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapagamit dahil mas magandang ikaw ang manggamit. Kung babalikan mo, ito ay nagmula sa mga taong nanggamit sa iyo na may masamang layunin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-27-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan ka puwedeng kumita ng malaki dahil sipag lang ang iyong kailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-21-26-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin sa mga makabagong pormula ng tagumpay. Ipahiram mo ito sa iba, lalo na sa mga taong malapit sa puso mo upang umunlad din sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-28-30-31-38-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malikot ngayon ang isip mo kung saan maaaring magbago ang pasya mo, anumang sandali. Dapat mong isabuhay ang kaisipang magbabago lang ang isip mo kapag makikinabang ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-23-25-31-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mong mamasyal nang sa gayun ay magbalik ang talas ng iyong isipan para muli kang lumakas. Ang pananatili nang matagal sa iisang lugar ay hindi makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-29-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mong lumayas. Puwede kang lumayas, pero bumalik ka rin dahil ang totoo, isip at mga paa mo ang iyong susundin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-20-24-28-37-43.




Comments