top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Excited ka na ba? Maagang pagkakabit ng Christmas decors, nakaka-happy

  • Jersy Sanchez
  • Nov 8, 2019
  • 2 min read

Isa ka ba sa mga beshie natin na pagkatapos sumabak sa mga Halloween Parties ay naghahanda na agad sa pagpasok ng pinakapaboritong season ng lahat? For sure, may mga nagbaklas na ng Halloween decorations at nagsisimula nang magtayo ng kanilang Christmas Tree at nagsasabit ng mga kumukuti-kutitap na pailaw dahil excited na sa Pasko. Agree?

Mga besh, alam n’yo ba na ang maagang paglalagay ng mga Christmas decorations ay nakatutulong para maging masaya? Yes, lodi!

Ang pagde-decorate ng iyong bahay ilang buwan bago ang Pasko o kahit pagkatapos na pagkatapos ng Halloween ay maaaring makatulong para maging masaya ka.

Ayon sa mga eksperto, ang maagang pagde-decorate ng tahanan ay maituturing na spirit-booster dahil nakati-trigger ito ng masasayang childhood memories at nakatutulong para maramdaman ng mga taong nakapaligid sa iyo ang positibong awra ng holiday.

Sey ng psychotherapist na si Amy Morin, habang nagkakabit ng mga pandekorasyon, hindi nawawala sa isip ang masasayang oras o mga tradisyon kasama ang pamilya at mga kaibigan tuwing Pasko.

Dagdag pa rito, ang pag-iisip sa happy memories na ‘yun ay nakadaragdag sa happy feelings.

Ang ‘dose’ o regular na pag-iisip ng holiday nostalgia ay nakahihikayat na magbigay at gumawa ng magagandang bagay na maituturing na mood enhancer. At dahil dito, ang altruism o pagiging selfless at mapagbigay ng mga tao ay tumataas tuwing Disyembre dahil marami nang nagsisimulang magbigay at mag-donate sa mga nangangailangan dahil ito ang nakapagpapasaya sa kanila.

Ayon sa bagong pag-aaral na na-publish sa Journal of Environmental Psychology, ang maagang paghahanda sa Pasko o ‘most wonderful time of the year’ ay nakatutulong para magkaroon ng interaksiyon ang mga nasa komunidad.

Gayundin, maaaring ginagamit ng mga residenteng nagde-decorate — at may ilang mga kaibigan sa kapitbahay — ang mga dekorasyon para makipag-communicate sa mga nasa paligid. Ito ay dahil ang mga pamilyang may festive na awra ay kilala bilang palakaibigan at open sa kanilang mga kapitbahay.

Sey ng mga experts, ang mga pandekorasyon ay maaaring magsimula ng mga positibong usapan.

Sino ba ang hindi mae-excite, ‘di ba? Gayunman, ang mga mabubuting gawain na madalas ginagawa tuwing Pasko ay mas magandang gawin anumang panahon.

Araw-araw ay Pasko. Ganern!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page