top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil feel na feel gumastos ng mga tao... Mga diskarte para kumita ang negosyo ngayong magpa-pasko

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Nov 8, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman para suwertehin ang negosyo ngayong ber months. Ngayong ber months, ang mga negosyo ay aktibung-aktibo at kumikita, pero ano ang dapat gawin para madagdagan ang kita?

1. Dapat malinis ang place of business, sa loob at paligid dahil kapag malinis, ang mga suwerte ay mananatili at hindi aalis at aakit pa ng dagdag na suwerte mula sa mga taong nagdaraan.

2. Sabi nila, “Smiles make the world go round.” Kaya dapat, ang mga empleyado at may-ari ay ngumiti. Hindi ito mahirap paniwalaan dahil walang kostumer na magkakagusto sa mga masusungit na empleyado.

3. Dapat maliwanag ang place of business kaya ang pagtitipid sa kuryente kapag negosyo ang pag-uusapan ay hindi magandang ipatupad. Ikaw, gusto mo ba sa madilim na lugar?

4. Ang dekorasyon ay dapat napapanahon. Mahirap paniwalaan, pero isang katotohanan na ang western world ay sumasabay sa mga okasyon kung saan ginagamit ng mga kapitalista kung ano ang in na in.

5. Ngayong kapaskuhan, feel na feel na ng lahat ang Pasko kaya feel na feel nila na gumastos nang gumastos dahil marami silang pera.

6. Gumamit ng kulay ng Kapaskuhan tulad ng green, red, white at golden yellow. Tiyak maaakit ang mga tao.

7. Magandang timing sa paggawa ng mga bagong uniporme dahil magagamit agad ngayong Kapaskuhan. Kapag bago at maganda ang damit, mananariwa ang takbo ng negosyo na ang ibig sabihin ay muling lalakas at sisigla.

8. Ganito ang sabi ni Lord Buddha, “The Scent of Incense brings fortune and prosperity.” Kaya magsindi ng insenso at ito ay makukuha mula sa mga Chinese temples.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page