Ayaw na raw ng imported… Marian, pinagbebenta ang mga branded bags
- Janice DS Navida
- Nov 8, 2019
- 2 min read

Natuwa at bumilib ang press people kay Marian Rivera sa renewal ng contract niya kahapon sa Beautederm Home bilang endorser ng Reverie home products ni Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil sa sinabi ng misis ni Dingdong Dantes na mas priority na niya ngayon ang mga gawang Pinoy kesa imported products.
May mga nakapansin kasi na lately, sa mga events na pinupuntahan ni Yan-Yan ay mga barong-inspired ang isinusuot niya na gawa ng mga local designers, tulad ng OOTD niya kahapon sa renewal ng contract niya as Beautederm Home ambassador.
Bukod dito, naikuwento rin ni Marian na pinagbebenta na raw niya ang mga branded-signature bags niya dahil na-realize raw niya na ang pagtangkilik sa mga gawang sariling atin ay malaking kontribusyon na sa pag-unlad ng ‘Pinas, which is so true.
Isa pang ikinatuwa ng press people ay ang good vibes at positive aura ngayon ni Marian dahil recently, nakabati na niya ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo na ilang taon din niyang nakatampuhan, maging si Lovi Poe na hindi man niya direktang nakaaway ay parang nagkaroon sila ng wall dahil kaibigan ng bida sa The Annulment movie ang matagal na ring sinasabing ‘kaalitan’ ni Marian na si Heart Evangelista.
Nag-try naman kaming tanungin si Marian kung ready na rin kaya siyang magkaayos sila ni Heart, since ang sabi naman niya, matured na siya at ayaw na niya nang may kaaway. True naman na mas masarap mabuhay nang walang kaalitan, ‘di ba?
Pero tawa kami nang tawa dahil nakita pa lang niya kaming magtatanong sa kanya, nagkunwari nang magwo-walkout si Yan dahil iintrigahin na naman daw namin siya. Hahaha! So, ang ending, hindi na nga namin nai-push ang tanong at nagkaintindihan na lang kami sa sagot niyang “Sa tamang panahon” ay mangyayari rin ang mga dapat mangyari.
Samantala, todo-thank you si Ms. Rei kay Marian dahil sobrang effective endorser daw ang mommy nina Zia at Ziggy, kung saan nang kunin niya ito para sa Beautederm Home: Reverie, times three daw ang itinaas ng sales ng products niya.
Kaya ayan, ni-renew nga ang contract ni Marian na in fairness, hindi raw talaga nag-i-endorse ng products na hindi niya ginagamit, kaya sa bahay niya, makikita talaga ang mga Beautederm soy candles, scented oils at air freshner na gamit na gamit niya para manatiling mabango at malinis ang kanyang paligid.
At balita pa ni Marian, dahil nga sa pagiging endorser niya ng Beautederm, magtatayo na rin siya ng sarili niyang store nito sa Cavite na ang mamamahala ay ang kanyang mommy. Bongga!
maayos ang mga gusot na ginawa niya.





Comments