Sa sobrang saya, 'di makapagpigil… Maine, proud na ikinalat sa socmed ang ginawa nila ni Arjo s
Nitz Miralles / Bida

Photo: @arjoatayde (left)/ @mainedcm (right)
Maiksing “Thank you” ang sagot ni Arjo Atayde sa GF na si Maine Mendoza sa pagbati sa kanya ng “Happy birthday” na may kasamang blank heart emoji sa Instagram (IG).
Sabi ng mga fans ni Yaya Dub, kuha sa bakasyon sa Taiwan nina Maine at Arjo ang ipinost ng aktres na picture nilang magka-holding hands.
Ang linaw ng ibig sabihin ng litrato at pag-amin na ‘yun ni Maine sa relasyon nila ni Arjo, kaya kinilig ang mga shippers nila ng aktor.
Kaya lang, may ilang AlDub fans na ayaw pa ring maniwalang matagal nang may relasyon sina Maine at Arjo at pilit pa ring ipinagdidiinan na sina Yaya Dub at Alden Richards ang totoong may relasyon at paulit-ulit ding sinasabing kasal na at may anak pa raw ang dalawa.
Sabi pa ng mga netizens, edited daw ang picture nina Maine at Arjo at baliw lang ang naniniwalang may relasyon ang dalawa.
Ano kaya ang kailangang gawin nina Arjo at Maine para maniwala ang madlang pipol na sila ang real sweethearts?





Comments