Horoscope | Nobyembre 7, 2019 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 7, 2019 (Huwebes): Marami ang naghihirap at nagsisikap para sa magandang kinabukasan nila, habang ang iyong kapalaran ang magpapaganda sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang ikaw ang bida sa mga nangyayari sa paligid mo. Sa ganitong paraan, ang mga suwerteng hindi pinapansin ng iba ay mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-25-35-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ay araw mo at ang mga araw na darating ay sa iyo pa rin. Marami ang maiinggit sa buhay mo dahil ang mga biyaya ay dadaloy sa iyong kapalaran tulad ng agos ng ilog. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-19-22-34-38-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Magtatangka ang tukso na tuksuhin ka, pero ang nakagugulat ay sila ang matutukso sa iyo. Ito ay nagsasabing, sila ang maaalipin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-25-27-30-36.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang lakas ng iyong karisma, gamitin mo ito sa negosyo o sa mga aktibidad na kikita ka. Iwasan mo itong gamitin sa ibang bagay kung saan ikaw pa ang mababawasan ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-28-31-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil magsusuplada ka, pero sa halip na layuan ka at iwasan ng ilan, mas lalo pa nilang papangarapin na maging bahagi ka ng kanilang personal na buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-21-25-26-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang tumanggi sa mga paanyaya. Sa araw na ito, maraming magpapasaya sa iyo. Maaaring hindi mo alam na ang lihim na tawag nila sa iyo ay suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-14-15-23-31-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo nang mukhaan ang mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan. Ang pananalo ay para sa iyo. Hindi ito gabay, ito ay tiyak na maitatala sa aklat ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-12-14-21-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tandaan mo, kapag matamis ang pag-ibig, gumaganda ang kapalaran. Kailangan maibalik mo ang tamis ng paglalambingan nang sa gayun ay mapabilis ang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-16-29-30-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Minsan, hindi kailangan ang sobrang seryoso. Tulad sa araw na ito, mas magandang haluan mo ng katuwaan, harot at tawanan ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-26-36-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manatili ka sa iyong pangarap. Huwag kang gumaya sa marami na nainip at nagbago ng isip kaya lalong natagalan ang kanilang pagyaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-21-22-23-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala dahil sa biglaang pagpapalit mo ng pasya. Balikan mo ang iyong mga nakaraan at makikita mong sinuwerte ka dahil sa kakaibang takbo ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-30-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simpleng-simple lang at hindi mahirap gawin ang pampasuwerte mo ngayon. Ito ay nagsasabing, lagyan mo ng ngiti ang iyong mga labi. Sa ganitong paraan, bubuwenasin ka nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-33-34-44.




Comments