top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Fajardo, pinagpag ang Elite

ATD
Nov 7, 2019
2 min read

Photo: Espn5

Kinalsuhan ng San Miguel Beer ang two-game skid matapos itakas ang mahirap na 99-96 overtime win laban sa Blackwater Elite sa PBA Governor’s Cup kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nangalabaw si five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo ng 30 points at 13 rebounds upang tulungan ang Beermen na ilista ang 6-3 karta.

Napilitang magtrabaho ng todo si 6-foot-10 center Fajardo upang punan ang pagkawala ng kanilang malupit na import na si Dezmine Wells.

Tumulong din sa opensa sina Terrence Romeo at Arwind Santos na nagtala ng 20 at 13 markers ayon sa pagkakasunod para sa San Miguel Beer.

Nakipagsabayan ang Elite sa unang dalawang periods, nakalamang sila ng tatlo, 37-34 sa halftime.

Pumabor ng bahagya sa Beermen ang third quarter, naagaw nila ang bentahe, 64-62 papasok ng fourth canto. Naging matatag ang Blackwater sa payoff period kaya nakahirit sila ng overtime game.

Subalit hindi nakayanan ng Blackwater ang bangis ng Beermen kaya nalasap nila ang pang-limang sunod na talo. Nasa ilalim ng team standings ang Elite pasan ang 2-8 record.

Samantala, nasilo ng Meralco Bolts ang pangatlong sunod na panalo nang kalusin nila ang Barangay Ginebra Gin Kings, 101-77 noong Linggo sa Araneta Coliseum.

“Long overdue, I guess,” ang nasabi ni Meralco coach Norman Black pagkatapos ng kanilang laban.

“We played really well tonight, and it’s a little of an understatement. Offensively and defensively, we played well and it’s obviously led by Allen Durham. He got us to a strong start and the rest of his teammates followed.”

Kumayod si Durham ng 39 points, 12 rebounds at pitong assists para tulungan ang Bolts na ilista ang 6-2 record.

Muling makikilatis ang tikas ng Bolts bukas pagharap nila sa Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa Big Dome.

Pakay naman na bumangon agad ng crowd favorite Gin Kings kaya nasa isip nila na pagpagin ang TNT KaTropa sa alas-7 ng gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page