top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ate Vi, super excited nang magkaapo… Jessy at Luis, ibinulgar na ang ipapangalan sa anak

Julie Bonifacio
Nov 7, 2019
2 min read

Photo: @senorita_jessy

Masayang ipinagdiwang ni Lipa City Cong­resswoman Vilma Santos-Recto ang kanyang 66th birthday sa Taipei, Taiwan last weekend. Halos buong pamilya kasi ang ka­sama at na­ka-bonding niya ru’n, plus ang soon-to-be daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola.

Based on the photos na kumalat sa social media at maging sa Facebook Live na ginawa ng kanyang eldest son na si Luis Manzano, mapapanood na kompor­tableng-komportable na si Jessy sa kan­yang future mother-in-law.

Sa nasabing FB Live ni Luis, maraming fans ni Congw. Vi at pati na rin nila ni Jessy ang natuwa. Puwede kasi silang magpadala ng question sa kanilang tatlo na agad naman nilang sinagot.

First question was kung kailan daw magpapakasal sina Luis at Jessy.

Slight na nagulat si Jessy sabay abot naman ni Vilma ng mukha niya at pagka­tapos ay inihilig ni Jessy ang kanyang mukha sa balikat ni Ate Vi habang abot-tenga ang ngiti ng gf ni Luis.

While si Luis, halatang nag-blush at super-pakyut.

“Sila ang tanungin ninyo,” say ni Vilma.

Pinakagusto naming part sa FB Live na ginawa ni Luis ay nu’ng tanungin si Congw. Vi ng netizen kung ano ang gusto niyang matanggap na birthday gift from her son.

Habang nag-iisip pa lang si Congw. Vi ng isasagot ay naunahan na siya agad ni Luis.

“Apo,” mabilis na sagot ni Luis.

Say ni Vilma, “‘Yun na lang,” kasunod ang tuksuhan nilang tatlo.

“‘Yun lang. Kasi, thank you, so far I’m so blessed. And I thank God. Apo, anak (Luis),” sey ni Ate Vi.

Sagot naman ni Luis, “Apo-ooo. Apo-ooo. Hehe!”

“Kapag babae, ang ipapangalan natin ay…?” tanong ni Luis kina Vilma at Jessy.

“Emma,” sigaw ni Vilma.

“Alam na alam,” sey ni Jessy. “May second name po. Momskie.”

“Ano?” asked ni Ate Vi.

“Rose po. Emma Rose,” sagot ni Jessy.

“Emma Rose,” ulit ni Vilma.

“‘Yun, ‘pag babae,” sabi naman ni Luis.

Pagkatapos ay may nagtanong din kung ano naman ang ibibigay nilang pangalan kapag lalaki raw ang naging unang apo ni Congw. Vi kina Luis at Jessy.

“‘Pag lalaki? Birdie,” diin ni Luis.

Sumingit si Jessy, “‘Pag lalaki ano, ‘di ba, Luke Philippe?”

Luis Philippe kasi ang kumpletong pangalan ni Luis.

“Luke ang iniisip ko. Iniisip ko pa ‘yung Philippe. Pero ‘pag babae, Emma Rose,” pahayag pa ni Luis.

‘Yun na.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page