top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Read mo, besh, para alam mo ang dapat iwasan... Mga nakakatakot na sitwasyon kapag magpa-pasko

Twincle Esquierdo
Nov 6, 2019
2 min read

Ngayong tapos na ang Undas, tapos na rin ang mga takutan kasama ang inyong mga kaibigan at mga nakakatakot na palabas. Ngunit, hindi pa r’yan natatapos ang mga nakakatakot na karanasan. Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, hindi puro saya lang dahil siguradong may mga bagay din na nakakatakot sa panahong ito. Anu-ano ang mga ito?

1. AKSIDENTE. Tulad ng palagi nating sinasabi, walang pinipiling panahon ito. Dahil posibleng lumala pa ang trapik, hindi nawawala ang posibilidad na mangyari ito kahit kanino. Kaya paalala sa lahat ng mamamasyal at magsa-shopping, maging alerto at magdoble-ingat.

2. MGA KAWATAN. Dahil daragsa ang tao sa mga pasyalan at pamilihan, siguradong makikipagsabayan din ang mga kawatan. Mga besh, maging mapagmatyag sa paligid, gayundin, huwag dalhin ang mga mahahalagang gamit tulad ng malalaking wallet at ATM o credit card at huwag ding magsuot ng mamahaling alahas dahil mainit ito sa mga mata ng masasamang loob.

3. PABAGU-BAGONG PANAHON. Minsan ay walang tigil ang ulan at minsan naman ay napakainit kaya hindi maiiwasan ang magkasakit, lalo na ang mga taong madaling kapitan ng ubo at sipon. At kapag nagtuluy-tuloy ang sakit, apektado pati ang trabaho at mas magastos ang gamot. Kapag hindi maganda ang pakiramdam, magpahinga agad at iwasan ang mga bagay na makapagpapalala rito.

4. MARAMING SALE. Ito ang paborito ng lahat dahil bukod sa mura ang mga ibinebenta, marami ka ring mabibili. Pero mga besh, hinay-hinay lang sa pagpatol sa mga sale dahil minsan, mura nga, mapapamura ka naman sa inis kapag nalaman mong fake o madaling masira ang mga nabili mo. Tsk! Gayundin, madalas na sinasamantala ng mga masasamang loob ang ganitong mga pakulo sa pamilihan kaya ingat-ingat sa mga bitbit, mga besh!

5. HIGH BLOOD. Sa mga taong walang kontrol sa pagkain, maaari silang mahigh blood o tumaba. Naku po, dahil sa mga okasyon na ito, nagkakaroon ng reunion ang mga pamilya at minsan lang ito mangyari sa loob ng isang taon kaya nilulubos na nila. More chibog, more fun, ganern! Pero paalala, ang sobrang pagkain ay may negatibong epekto kaya dahan-dahan lang, ha?

Mga ka-Bulgar, hindi masamang mag-enjoy sa mga mahahalagang okasyon basta’t huwag kalimutan ang inyong kalusugan at kaligtasan. Maging alerto at mapagmatyag dahil may mga masasamang tao sa paligid na naghihintay lang ng tiyempo para mambiktima. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page