top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kahulugan ng pagkain ng tinapay ng mag-BF na malapit nang ikasal

Socrates Magnus
Nov 6, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Salonga ng Salonga_Fronda@face-book.com

Dear Professor, Nanaginip ako na kumakain kami ng magiging asawa ko ng tinapay na puti. Mayroon itong palaman na matamis pero kasama sa pag-bake ng tinapay na parang pan de coco kung ilalarawan, pero hindi ko nakita kung ano ang kulay nu’ng palaman. Bilog ‘yung tinapay at napakalambot. Sa huling tinapay, naghati pa kami, gayundin, kumakain kami habang nanonood ng video na may mga nagsasayawan sa Christmas Party, kasama ‘yung mama ko. Ikakasal kami ngayong December. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Salonga

Sa iyo Salonga, Alam mo, sa wedding, maraming bagay ang sumisimbolo na ang pag-aasawa ay dapat na panghabambuhay. Tulad ng cord, ibig sabihin, for life nakatali sa love ang ikakasal. Ang kandila naman ay tatanglaw sa kanila habambuhay. ‘Yung singsing, ganundin, palatandaan na bawal nang umibig pa sa iba kahit kailan, ‘till death do us part ang eksena.

Mayroon pang isa na pinakamahalaga sa lahat, pero hindi nangyayari sa pangkaraniwang kasalan. Ito ay ang pagkain ng mag-asawa ng tinatawag na Banal na Tinapay.

Ano ang kaibahan ng banal na tinapay sa iba pang tinapay? Ang banal na tinapay ay si Lord Jesus ang inilalarawan, sabi Niya, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay.” Bakit kaya, ibig sabihin‘pag ang iba pang tinapay ay hindi nagbibigay ng buhay?

Oo, iha, dahil ang pangkaraniwang tinapay ay nagbibigay lang ng kabusugan at hindi ng buhay dahil kapag natunaw sa tiyan ang kinaing tinapay, kailangan na namang maghanapbuhay ng tao na nagugutom.

Napansin mo ba ang salitang “hanapbuhay?” Hindi ba, kaya maghahanap ng buhay ay dahil nawala o wala nang buhay? Kaya ang taong walang hanapbuhay ay walang kabuhay-buhay.

Pero ang banal na tinapay sa iyong panaginip ay nagbibigay ng garantiya na ang iyong marriage ay made in heaven, dahil ito ang kagustuhan ng langit. Dahil dito, ang inyong buhay ay tulad ng ilog ng buhay na aagos ang mga biyaya na tila walang katapusan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page