Hindi na kailangan ng mahal na gamot... Luyang dilaw, epektib na panlaban sa cancer at para maiwasan
- BULGAR
- Nov 6, 2019
- 2 min read

Ang turmeric o luyang dilaw ay kilala bilang pinakaepektibong nutritional supplement. Bukod pa rito, ginagamit itong pampalasa at pampakulay sa pagkain at medicinal herb sa India. Gayundin, sey ng mga experts, ang turmeric ay maraming benepisyong naidudulot sa katawan at utak. Anu-ano ang mga ito?
1. GAMOT SA PAMAMAGA. Ayon sa mga eksperto, ang turmeric ay mabisang home remedy na nakatatanggal ng inflammation o pamamaga. Magdikdik ng tatlo hanggang apat na piraso ng luyang dilaw at ihalo sa coconut oil saka ipahid sa apektadong bahagi ng katawan.
2. NAKAPAGPAPAGALING NG SAKIT NG TIYAN. Para sa sakit ng tiyan tulad ng kabag, epektibong home remedy ang turmeric tea. Para gawin ito, ihalo sa kumukulong tubig ang dinikdik na turmeric at isang kutsarita ng pulang asukal. Ibabad ito sa loob ng dalawang minuto saka inumin kapag maligamgam na ang tubig. Gayundin, inirerekomenda ito sa mga may diabetes at mataas na cholesterol.
3. PANGGAMOT SA AN-AN, BUNI AT SUGAT. Dikdikin ang turmeric at ipahid ito sa apektadong balat dahil ang turmeric ay mayroong antiseptic at antibacterial property na nakatutulong para mapabilis ang paggaling at pagpatay ng mga bakterya.
4. PAMPAGINHAWA. Para sa mga may ubo, sipon at hika, nakatutulong ito para guminhawa. Magdikdik ng luyang dilaw at ilagay sa mainit na tubig saka langhapin ang usok upang maging maayos ang paghinga.
5. PANLABAN SA CANCER. Ayon sa mga eksperto, maraming uri ng cancer, pero may ilan silang pagkakapareho kung saan isa na rito ang epekto ng curcumin supplement. Ang curcumin na matatagpuan sa turmeric ay beneficial herb para maiwasan ang cancer, gayundin, nakapipigil ito sa growth, development at pagkalat ng cancer.
6. MAIIWASAN ANG ALZHEIMER’S DISEASE. Bagama’t, wala pang lunas sa Alzheimer’s disease, puwede itong maiwasan. Ang curcumin ay puwedeng maging blood-brain barrier at nagpapakita ng magagandang improvement sa pathological process ng nasabing sakit. Nakatutulong umano ang turmeric sa pagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo sa utak.
Oh, ‘di ba, hindi n’yo na kailangan ng kung anu-anong mga gamot para sa inyong karamdaman? Mga ka-Bulgar, try n’yo na ito dahil siguradong wala itong masamang epekto sa katawan dahil ito ay natural. Okie?
Comments