Gusto pa raw mag-try ng iba… Bea, ini-enjoy lang ang BF, atras magpakasal
- Erlinda Rapadas
- Nov 6, 2019
- 1 min read

Photo: @beabinene
Simple lang ang naging birthday celebration ng Kapuso actress na si Bea Binene dahil tapos na rin ang kanyang debut at gusto naman niyang maging tahimik ang kanyang kaarawan ngayong 20 plus na siya.
Last Nov. 4 ay binati si Bea ng buong cast at production staff ng Beautiful Justice. Hindi nakalimot sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Gil Cuerva at Victor Neri na batiin si Kitkat (Bea). Maging ang kanyang mga fans at followers ay bumati sa kanya.
May love life na rin si Bea kaya blooming nowadays. May negosyo pa siyang pinagkakaabalahan na isang coffee shop at ini-enjoy niya ang pagiging barista kapag libre ang kanyang schedule sa teyping ng Beautiful Justice.
Unti-unti nang nagma-mature si Bea Binene at mas malawak na ang kaalaman at pang-unawa niya sa maraming bagay. Aktibo rin siya sa kanyang mga charity works.
Ang pinaka-luxury na lamang niyang maituturing ay ang pagbibiyahe abroad kasama ang kanyang mommy at kapatid. Masinop siya sa paghawak ng pera dahil may negosyo siyang pinaglalaanan.
At this point of her life, malayung-malayo pa sa agenda ni Bea ang pag-aasawa. Marami pa siyang pangarap na gustong matupad. Marami pa siyang role na gustong gampanan.





Comments