Growling Tigers at Tamaraws, agawan ng bangis sa finals
- VA
- Nov 6, 2019
- 2 min read

Nakatakdang pag-agawan ngayon ng University of Santo Tomas at ng Far Eastern University ang karapatang sagupain ang second seed University of the Philippines para sa huling finals berth sa unang laro ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament stepladder semifinals.Ganap na 4 p.m magtutuos ang 4th seed Tigers at ng 3rd seed Tamaraws sa Araneta Coliseum. Naging magkatunggali sa kampeonato noong 2015 (Season 78) ang dalawang koponan kung saan nanaig at itinanghal na kampeon ang Tamaraws.
Buhat doon, sa loob ng apat na sunod na taon ay laging pasok sa Final 4 ang Tamaraws habang ngayon lang nakabalik ulit ng semifinals ang Growling Tigers.
Gayunman para kay Tamaraws coach Olsen Racela ay wala silang maaaring maging bentahe sa UST dahil karamihan ngayon ng kanilang players ay pawang rookies. “Siguro nga perennial Final Four contenders kami pero ngayon kalahati ng team ko puro rookies,” wika ni Racela.“When it comes to Final Four experience, they don’t have it, so I really don’t consider this as an advantage. Although I have veterans so hopefully they can share their experience with the new guys.”
Si Wendell Comboy lamang ang nalabing player sa 2015 FEU champion team. Tanging hahawakan na lang ng Tamaraws ang naitalang 72-58 panalo kontra Growling Tigers sa second round para makipagsabayan sa muli nilang pagtutuos. “The only thing that win gave to us was the confidence that we can beat UST because we know how strong that team is,” ani Racela.
Sa panig ng UST, magsisikap ang mga ito na makahanap ng kaukulang adjustment sa nasabing kabiguan sa ikalawang round kontra Tamaraws kung saan nasapawan ng tandem nina L-Jay Gonzales at Royce Alforque ang mga counterparts nila sa UST.





Comments