top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Horoscope | Nobyembre 5, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 5, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 5, 2019 (Martes): Ituloy mo ang iyong pagsisi­kap dahil ang iba na nagsi­sikap ay walang napapala, pero ikaw ay ginagaranti­yahan ng iyong kapalaran na magkakaroon ng napa­kagandang buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdaratingan sa tabi mo ang mga magta­tangkang sirain ang iyong diskarte. Huwag kang pu­mayag at kapag nahalata mo, huwag mo silang kau­sapin at layuan mo kaagad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-20-24-35-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kaka­ya­han ng gus­tong dumikit sa iyo. Hindi lahat ng nagsasalita nang ma­haba at masarap kausap ay sasamahan ka sa iyong pa­kikipagsapalaran sa mun­dong ibabaw. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-21-27-40-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang panana­hi­mik kaysa sa pagkikipagtalo. Mas mabi­lis umasenso ang tahimik na nagsisikap kaysa nagsisi­pag, pero magulo ang bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-26-28-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hadla­gan ang kagus­tuhan ng tao na malapit sa puso mo. Kapag mali siya, tuturuan siya ng kanyang kapalaran ng mga aral sa buhay. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-14-19-23-25-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ali­sin mo sa bu­hay mo ang mga hindi mo kaila­ngan nang sa gayun ay mag­pasukan sa iyo ang mga bagong bagay at kaibigan na iyong mapakikinaba­ngan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-17-22-25.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa palaaway, ma­hi­lig kumon­tra at palatanong dahil wala kang mapapala sa kanila at masasayang lang ang ma­hahalagang oras mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pi­litin mong ta­lunin ang lung­kot na nama­mahay sa puso mo. Ibalik mo ang dating ikaw na ma­sayahin kapag dumarapo ang magagandang kapala­ran sa iyong buhay. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-14-16-24-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas makahawa nga­yon ang mga taong sira ang kapalaran kaya kung may kilala ka at lalapit sa iyo, lihim mo si­lang iwasan. Magkunwari ka na may iba kang gaga­win na mahalagang bagay. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-22-29-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, maganda pa ang nag-iisa dahil bumibilis ang traba­ho. Huwag ka nang hu­mingi ng alalay, lalo na sa maaaring makagulo lang sa ginagawa mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-17-18-25-26-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo makukuha ang gusto mo, pero ang mapasasaiyo ay higit na ikatutuwa mo at sasabihin mong ang langit ang higit na nakaaalam kung ano ang mabuti sa tao. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-13-24-32-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babagal ang pag-unlad ng buhay mo kung hahayaan mong ma­kialam sa diskarte mo ang nagkukunwari lang na may alam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto­-3-17-20-23-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaang lu­mi­taw ang pag­ka­rebelde mo. Mas masa­rap mabuhay nang tahimik kesa palaging mainit ang ulo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-12-20-24-25-44-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page